Ch. 9: Trouble

209 17 6
                                    


TAMARRA'S POV


3 days matapos ma-elect ang new members ng SC, nagpatawag ng meeting si Caile. For the upcoming acquaintance party daw ang agenda. Wala nang oath taking na naganap.


Medyo kabado ako dahil first time 'tong makakaharap sila sa isang meeting. I-plus mo pa na ang lamig sa SCO kaya naman kung tensed ka, mas mati-tense ka sa loob.


"Let's start, alam naman nating lahat kung para saan ang meeting na 'to, hindi ba?"-nasa harap ng isang white board si Caile, may hawak din siyang marker at maya maya pa ay may isinulat na siya doon sa board. Naging alisto naman ako, isinusulat ko sa maliit kong notebook 'yung mga importante niyang sinasabi. Kina-copy ko rin ang isinusulat niya sa white board at habang ginagawa ko 'yon. Sinisigurado kong nakikinig pa rin ako sa kanya. In short, ako ang in-charge sa minutes of the meeting.


Maya maya pa may nagtaas ng kamay ang auditor.


"Anong magiging theme ng acquaintance party?"


"Hindi ko pa ba nabanggit?"-tanong ni Caile at umiling kami, napakamot siya sa sentido niya. Weird but I find it cute. "May bagong pakulo ang director natin. Anime ang theme."


Bilang may nag-apir sa may bandang likod. Mukhang gusto nila ang idea.


"Balik sa preparations. Vice and representatives, kayo ang bahala sa decorations ng venue. Treasurer at auditor, kailangan niyong kwentahin lahat ng mga magagastos para makahingi na tayo ng fund. Secretary,"-tumingin siya sa'kin, nagtaka ako kasi tinignan niya ako... oo nga kinakausap niya ako kaya niya ako tinignan pero kasi kanina nagsasalita lang naman siya nang hindi tumitingin sa kinakausap niya so ... nagulat lang ako. "Makipagcoordinate ka sa treasurer at auditor at kapag nalaman niyo na kung magkano 'yung magiging gastos para sa party, gumawa ka ng letter for the director para alam niya kung magkano ang kailangan nating fund. Also ... medyo mabigat ang gagawin ng business manager so pakitulungan siya sa invitations and letters for students."-binalik niya ang atensyon sa white board at nagsulat habang nagsasalita. "P.R.O and sergeant & arms kayo na ang bahala sa security ng lugar, sa mismong event, kayo ang pinaka hindi mag-eenjoy dahil sa kayo ang titingin sa mga students. Communication's director, start promoting the event. Wala tayong problema sa freshmen dahil isang sabi lang natin ay aattend 'yan sila, but the higher years, especially the juniors and seniors, make sure na 3/4 sa kanila ay dumalo, pero mas ayos kung 100% complete attendance. Ang engagement ng students ay nakadepende sa promotion mo so make sure you make it creative."


"Trust me, boss."-the Communication's director gave a salute saka yumuko sa notepad niya at nagsulat.


Mas dinetalye pa niya ang mga gusto at kailangang mangyari para sa event kaya naman halos tumagal ng dalawang oras ang meeting. Tapos na ang lunch time nang matapos kami kaya naman lahat kami hindi na nakapasok sa first subject namin sa afternoon period.


Medyo nanibago ako sa paligid paglabas ng SCO, nagtaka pa ako ng makita kong nagkalat ang estudyante sa paligid. Tanaw ang building namin mula sa labas ng SCO kaya kita ko rin na nagkalat ang students doon.


Wala bang klase? Pero hindi pa uwian.


Bilang sagot sa tanong ko, biglang sumulpot sa tabi ko si Caile. Bigla ring may sumulpot na student na mukhang kakilala niya dahil kaagad siyang nagtanong dito.


"Milliano, anong meron?"


"May biglaan meeting ang lahat ng teachers kaya walang mga klase."


Woah! So I'm saved by that meeting. Wala akong na-miss na klase. Sa katuwaan kong iyon, mabilis akong nagpaalam kay Caile para bumalik na sa building namin. Wala lang, namiss ko lang do'n, nilalamig na rin kasi ako sa lugar na 'to eh.


Kakababa ko lang ng lobby at papalabas na sana nang biglang may sumulpot na babae mula sa kung saan at ang malala, nabunggo ko siya. Na-out balance siya at napaupo sa sahig. Loud gasps filled the area.


Nakatayo lang ako at maang na nakatingin sa babaeng napaupo sa sahig. Tutulungan ko na sana pero dahan dahan niyang nag-angat ng tingin kaya nakita ko ang kabuohan ng mukha niya at ...


Oh my God.


Saka ko lang naintindihan kung bakit maraming napasinghap.


Balewala siyang tumayo at hinarap ako. Nanigas naman ako. Nasisimula na akong kabahan ng matindi.


"Hanggang sa teritoryo ng iba dinadala mo talaga 'yang katangahan mo, ano?"


Napahiya na agad ako unang salita palang niya. But knowing Aimee, hindi siya makukuntento sa maiksi na salita lang.


"Hindi ka naman singkit pero ba't ang bulag mo. Didn't you see me? O sinadya mo iyon. Look! Ako lang ang natumba while you're still standing there."


"No. Hindi ko sinadya—"


Lumapit siya at itinulak ako sa balikat gamit ang hintuturo niya.


"Oh shut it up. Kung hindi mo sinadya edi tanga ka lang talaga, gano'n?"


Hindi ko ininda ang pangpapahiya niya at sinubukan pa ring magpaliwanag, after all ay kasalanan ko. Nakatingin man ako sa daan ay wala naman doon ang isip ko, nasabay pang nagmamadali ang lakad ko. "It was an accident—"


Sa gulat ko, bigla niya akong tinulak ng mas malakas sa naunang tulak niya. Dahil hindi ko inaasahan iyon ay hindi ko nabalanse ang sarili at agad natumba.


"Ouch!"-daing ko.


"It was an accident"-natatawang ulit siya sa sinabi ko. She darted her fiery eyes on me. "Pasalamat ka wala ako sa mood ngayon dahil kung nasa wisyo lang ako, malamang na bukas hindi ka na makakapasok sa kahit saang building dahil sa kahihiyan."


Tumalikod siya pagkasabi no'n at tumayo naman agad ako. Gusto ko sana siyang gantihan pero may pumigil sa'kin nang makita kong makakasalubong ni Aimee si Caile. Sa akin nakatingin si Caile na bahagyang nakakunot ang noo. Dahil nahiya ako bigla sa kung ano mang nakita niya bago ko siya mapansin ay mabilis nalang akong lumabas ng building.


Masama ang loob na naglakad ako pabalik sa sarili kong building. The grudge between her and I started long time ago. At hanggang ngayon ay ako pa rin ang underdog sa'ming dalawa.


Kailan kaya maiisip ni Aimee na wala naman akong kasalanan sa kanya kaya hindi ko deserve lahat ng pinaggagawa niya sa'kin? Kasi sa oras na marealize niya iyon, doon niya lang ako tuluyang titigilan at doon lang akong tuluyang makakapahinga mula sa pambubully niya.

___________________________

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon