Ch. 4: Off the record

384 20 2
                                    


CAILE'S POV


Buo na ang pasya ko. Hindi ko nalang itutuloy ang pesteng paraan na 'yan para ma-fall out of love si Tamarra kay Andy.


Kanina kasi, sa kauna-unahang pagkakataon, nakaharap ko ng malapitan si Tamarra. At shocks lang, hindi siya kagandahan. Hindi rin naman siya pangit... ano lang, ang simple lang niya. Masyado nga siyang simple na parang hindi siya papasa sa standard ng pinakapangit na lalaki sa Thelistine.


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon dahil hindi naman pala siya big catch para kay Andy. O dapat ika-insulto sa sarili dahil aminin na ... Magbihis babae lang ako, talbog na talbog ko siya.

***

"Ano? But why?!"-initial reaction ni Aimee nang sinabi ko sa kanya ang decision ko. 


Tinaasan ko siya ng kilay.


"Respect my decision 'cause you can't do anything about it. Busy ako masyado at naisip kong hindi ang isang hindi kagandahan, mukhang hindi matalino, at hamak ng entrance scholar na babae lang ang uubos ng oras ko. Tama na 'yung nagsayang ako ng dalawang oras kausap ka noong nakaraang araw."


Napaawang ang labi niya. Halata sa mata niyang hindi siya makapaniwala.


Nakabawi naman siya maya maya lang. "No, Caile. Magbabago pa 'yan, sinasabi ko sa'yo.''


"At paano mo nasabi?"-taas kilay ko pa ring tanong. Sabi ng mga bakla, intimidating daw akong tignan twing nakataas ang kilay ko... na siya naman totoo.


"After lunch break mamaya, itetext kita. I'll gonna give something to you."


"Ano naman 'yon? Sabi nang 'wag mong sayangin ang oras ko eh."


Umayos siya ng tayo mula sa kinasasandalang railing. Nasa 4th floor kami, nasa hallway kung saan wala masyadong dumadaan. "Basta I'll message you nalang later. At hindi ko masasayang ang walang kwenta mong oras because I'll make sure that this thing is worth everything, Caile."


Hindi ako kumbinsido sa kanya pero bahala na siya. Kunwari nalang may pake ako sa kanya.


Tinalikuran niya ako at naunang umalis. Ni hindi man lang nagpaalam. Patapos na ang lunch time kaya naman bumalik nalang din ako sa room. Atleast doon tahimik kahit papano, at nandoon pa si Andy.


Pababa na 'ko ng 3rd floor nang mula sa pwesto ko nakita ko si Andy sa may garden. Agad akong napahinto at tinignan siya.


Hindi pala siya nag-iisa, may kasama siyang impakta.


*Kriiiiiiiiiiiiing*


"Ay impakta!"-sandali nayanig ang ulo ko dahil sa tunog ng bell. Napalingon ako sa pwesto no'n.


Shit sana pinalampas muna ako ng kaunti bago tumunog, di'ba? Pinilig ko ang ulo saka wala sa sariling sumulyap uli sa baba.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon