Chapter 62: Aftermath

220 14 4
                                    


AIMEE'S POV


"Where have you been?"


I made a stop at mid-stair saka yumuko sa baba. It's tita Tiana. Ang tono ng tanong niya ay maayos, na lagi naman, parang mama na nagtatanong sa anak about how's their day went.



"Just... out."-sagot ko na umiwas ng tingin saka nagpatuloy sa pag-akyat.



Mabilis akong pumasok ng kwarto at pabagsak na humiga sa kama saka tumitig sa kisame. Pero malayo doon ang isip ko.


I am tired as hell but delighted as well. My day went short but undeniably memorable.



Memorable? Paano, Aimee?



I don't know. Maybe because of the place we just went, or because of the person I am with.



Either of two... or both?



Natinag ako sa dalawang katok sa pinto ko, napaupo ako sa dulo ng kama, sakto naman at bumukas ang pinto at may sumilip mula sa likod no'n.


It's tita Tiana again.



"Gusto mo bang magmerienda?"



Umiling ako, "No, I'm full. Kumain kami bago umuwi."-sagot ko saka tumayo para kunwaring ayusin ang bag ko, inisa-isa kong ilabas ang gamit doon like my phone, charger, powerbank, cord, and many more.


"May kasama ka pala. Sino?"



Natigilan ako at napakurap. 


Did I use the word kami ? Stupid Aimee, ang paalam mo kanina ay aalis kang mag-isa after your Christmas party.



Humarap ako sa kanya. "Kakilala lang."-I change the topic, "kakain nalang ako kapag nagutom ako, sa ngayon I want to rest. Excuse me."-dumaan ako sa harap niya para lumapit sa cabinet at kumuha ng damit. Dumiretso ako sa bathroom. Narinig ko pa siyang nagpaalam pero hindi ako sumagot.


Nagpalit ako ng damit at naghilamos bago lumabas ng CR at sumampa ng kama. Naramdaman ko na naman ang pagod pero hindi ako inaantok. Parang gusto ko lang mahiga.



Sumilip ako sa oras, 6pm na. Masyado kaming naaliw at natagalan sa maze kanina kaya hindi kami nakalabas agad. And nang mapansin namin ang oras, 5pm na. May commitment pa si Caile sa SCO, alam ko 'yon kahit hindi niya nabanggit dahil narinig ko kay Tamarra. Ako ang nag-insist sa kanyang umuwi na kami kahit na mukhang ayaw pa niyang umalis.



Sa huli ay napilit ko siyang lumabas na kami, pero napilit niya rin akong kumain muna kami bago ako umuwi at bago siya bumalik ng Thelistine. Gusto pa niya akong ihatid pero I firmly declined. Masyado ko nang naconsume ang oras niya.



Ngayong naaalala ko iyon ay natatawa ako. Parehas na matigas ang ulo namin, hindi ko tuloy maisip kung paano kami, in a way, nagkakasundo.



He gave you something before you parted ways.



Napabangon ako. Hindi ko pa nasisilip ang laman ng inabot niya sa'kin kanina na paper bag.


Anong naisip niya at bigla niya akong binigyan ng regalo, wala pa namang pasko.


Binuksan ko ang paper bag saka sinilip ang nasa loob. Hindi ko agad 'yon namukhaan maliban nang ilabas ko ang medium size na kahon mula sa loob. I opened it at bumungad sa paningin ko ang isang snow globe.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon