Ch. 50: Sports Fest IV

153 12 1
                                    


CAILE'S POV


"Caile."

"Caile?"

"CAILE."

"CAILE?"

"CAILEEEE!"


"Tsk."-naiiritang umupo ako sa kama. Kanina pa kumakatok si ate at kanina ko pa rin ipinagsasawalang bahala 'yon. Inaantok pa ako at anong oras pa lang.


"Caileeee?"


"Ano ba!"


"Open the door."


"Tsk."


Tumayo ako at binuksan 'yon. Nakakairitang mukha ni ate ang bumungad sa'kin as expected.


"Ano?"-irita kong tanong.


"8am na bakla, anong oras mo balak bumangon? Bakla ka kumilos ka na."


"Tsk stop that."


"Stop what?"-taka pa niyang tanong.


"Calling me that."


"Huh?"


Tinulak ko siya palabas. "Nakakairita ka talaga. Labas nga."


"Hoy basto--"-pinagsarhan ko siya ng pinto. "Isusumbong kita kina mom! Bakla!"


"Yeah! Yeah."


Lumapit ako sa side table para uminom ng tubig saka kinuha ang isusuot ko sa drawer. Last day ng sports fest ngayon at kamalas-malasang sinali ako sa basketball. Pero tingin ko hindi naman ako maglalaro dahil may first 5 na kaya tingin ko ayos lang malate. 10am ang simula ng mga laro.


Quarter to 9am na nang matapos akong mag-ayos at makababa ng kusina para kumain. Nasa malayo palang ay may naririnig na akong mga ingay sa kusina, mga kalansing ng kutsara at tinidor na animo'y maraming kumakain. Kumunot ang noo ko dahil bukod sa'min ni ate ay walang gumagamit ng dining table.


Mabilis akong pumasok sa loob.


"At last, Caile!"-tawag pansin ni Milliano nang magkasalubong kami ng tingin, mas kumunot ang noo ko saka nilibot ng tingin ang buong lamesa. 


Nasa dining table sina Milliano, Nathe, Joshua, Nikko, at Steven. Kasabay nilang kumakain si ate.


"Bakit nandito kayo?"-nagtatakang tanong ko.


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon