Ch. 28: Locked up

211 13 0
                                    


TAMARRA'S POV


Chilly morning. Nakayakap na ako sa braso ko pero bahagya pa ring lumulusot ang lamig ng pang-umagang hangin sa blazer ng uniform ko.


Mabagal akong naglakad papunta sa Einstein building. Ninanamnam ko pa ang lamig, minsan lang naman kasi 'to mangyari dahil mas madalas mainit sa Pilipinas. Salamat sa malakas na ulan kagabi hanggang kaninang madaling araw at ganito ang weather ngayon.


Tumigil ako sa paglalakad nang mapatapat ako sa fountain na nagcoconnect sa pathwalk papasok ng Newton and Einstein building. Parehas kong pinagmasdan ang dalawang building. Gusto kong malaman kung sino ang architect nito, gusto kong malaman kung kaninong idea ang rules ng buong campus. Hindi kasi pangkaraniwan eh. Malayong malayo sa pinanggalingan ko at maging sa ibang schools.


Ito ang school na masarap pangarapin. Ito ang school na kapag suot mo ang uniform nila, parang angat ka sa iba. Pero ito rin ang school na hindi madaling pasukin.


Huminga ako ng malalim saka iiling iling na naglakad papasok ng Einstein. Pinasok ata ng malamig na hangin ang utak ko kaya kung ano anong pinag-iisip ko.


The day went well like what it should be. 


Saktong kakatapos lang naming maglunch ni Iya at papalabas na ng cafeteria nang makasalubong ko ang kasama ko sa council na taga rito rin sa Einstein.


"Tamarra galing akong SCO, may pinapautos daw ang director sa'tin."


"Ano 'yon?"-takang tanong ko. Parang ngayon ko palang narinig na magbigay ng direct order ang director. Usually kasi lahat dumadaan kay Caile.


"Hanapin iyong yearbook ng batch 1992. Nasa stockroom daw. Kasi... loaded na kami eh. Then noong chineck namin ng palihim yung SR planner ni Caile, ikaw, siya at si Loisa lang ang walang task. Well, Loisa is absent. Si Caile naman hindi pa nagrereport sa SCO while ikaw hindi pa rin nagagawi doon. So, sinabihan nila ako na if ever makasalubong kita rito, sabihin ko nalang sa'yo 'yon at ikaw na ang bahalang gumawa ng task."


Huminga ako ng malalim, I've got no choice but to do it... as soon as possible, lalo na at sa director galing ang utos. "Noted. Before dismissal maiaabot ko na sa director 'yon."-I roamed my eyes for a moment bago binalik sa kanya ang tingin. "Pero... nasa'n ang stockroom dito?"


"Nasa likod ng building natin, makikita mo naman agad 'yon."


Tumango ako sa kanya, nagpaalam naman siya sa'kin na aakyat na sa room niya. Hinarap ko si Iya.


"Oo na, mauuna na ako sa room."-pangunguna niya wala pa man akong sinasabi. "Sige na, shoo."-pagtataboy niya sa'kin na umiikot pa ang mata.


"Ay Iya, naiwan ko ata ang phone ko sa desk. Palagay nalang sa loob ng bag ko ah?"-suyo ko bago pa siya makaalis, tumango siya and waved goodbye bago umakyat ng hagdan, ako naman ay lumabas ng building at hinanap ang stockroom daw. Mabilis ko naman iyong nakita, bukod pa sa hindi naman iyon nakakatangang hanapin dahil bukas na ang pinto at mula sa labas ay makikita mong ang mga tambak sa loob.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon