Ch. 47: Sports Fest

148 12 0
                                    


ANDY'S POV


Naghahalo-halo ang mga kulay na purple, aqua blue, deep red, at green sa paligid. Medyo masakit sa mata at nakakahilo ang kulay pero walang magagawa, sports fest na kaya ang ganitong tanawin kailangang makasanayan hanggang sa susunod na dalawa pang araw.


Ang aga aga pero aligaga na ang bawat team sa paghahanda, sa baba ay sunod sunod ang pasok ng mga estudyante, napapasunod ako sa mga cheerleaders na nakikita ko. Dahil sila ang pinakaunang magcocompete para sa team nila, sila ang mga nakabihis na. Sa labas ay may mga napapractice pa ng sayaw, sa gym may nagpapakondisyon na ng katawan, sa field may nagpapractice na rin.


"Andy!"-napalingon ako sa likod at sinalubong ako ng lumilipad na tshirt, nasalo ko 'yon bago pa man tumama sa mukha ko.


Si Jeric.


"Tshirt, iyan daw uniform natin sa basket. Baka mamaya natin makuha ang jersey."


Binulatlat ko ang shirt, ayos naman, maganda ang pagka-asul. Sinampay ko 'yon sa braso ko. "Kelan daw ilalabas ang schedules? Kailan basket?"


"Opening ngayong araw, cheerdance at academic tournaments. Bukas ang indoor games, sa friday ang outdoor."


"Edi sa Biyernes pa tayo?"


"Oo, pero kailangan nating magpaiwan mamaya at pumasok bukas, practice."


Pambihira. 


"Sige, text mo nalang ako kapag may bagong announcement."


"Sige, pero uso rin tumingin sa bulletin board."


Tumango nalang ako, umalis naman na siya. Nakaramdam ako ng kalam ng sikmura kaya bumaba ako sa cafeteria. Wala masyadong tao sa loob kaya mabilis akong nakabili ng pagkain at nakapili ng pwesto, doon ako sa medyo sulok para mas tahimik. Susubo na sana ako nang may matanaw ako na pamilyar na mukha.


Si Aimee na naman. May ilang lamesa ang layo niya sa akin. Binitawan ko muna ang pagkain ko at sumandal sa upuan para tignan siya. Halos likod lang niya ang tanaw ko pero nakilala ko agad siya. Mabilis ko ring napansin ang suot niyang uniform, purple iyon at pangcheersquad base sa itsura, so sa Amethyst team pala siya.


Bigla kong naisipang tumayo para lumipat sa lamesa niya. Hindi na ako nagpaalam sa kanya nang umupo ako sa harap niya. Hindi siya mukhang nagulat pero natigil siya sa pagkain at napatingin sa'kin. 


"Makikiupo."-ngumiti ako, saka binuksan ang burger na binili ko. Pinanood ko siya habang kumakain, dahan dahan siyang ngumunguya habang iniikot ng tingin ang paligid. Saka niya binalik ang tingin sa'kin, marahan muna siyang lumunok bago nagsalita.


"Maraming bakanteng lamesa."


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon