Ch. 36: Change of feelings

206 12 2
                                    


TAMARRA'S POV


"AIMEE!"


 Sabay sabay kaming nagulat sa sigaw na iyon. Sandaling sumikdo ang puso ko. Sabay sabay din kaming napalingon sa likuran namin ni Andy, doon nanggaling ang boses.  


Muli kaming nagulat nang si Caile ang mabungaran namin. Para siyang galit, and his gaze... is fix to Aimee.


Lumapit siya kay Aimee at kinuha ang kamay nito, hawak ni Caile ang susi at ngayon kinakalas niya ang posas kay Aimee. Ang grim ng expression niya, at unang beses kong makita 'yon sa kanya.


Hinagis ni Caile ang susi kay Jiro.


"P-Paano ako?"-tanong ni Nathalie kay Caile pero parang hindi naman siya napansin nito.


Nagulat pa kami nang hilahin ni Caile si Aimee palayo sa amin. Lahat kami ay nakasunod ng tingin sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat hakbang nila palayo parang dibdib ko ang tinatapakan nila kaya sumasakit iyon.


Hindi ko mantindihan.


Bigla silang huminto sa paglalakad. Humarap si Caile kay Aimee... at sa gulat namin, lalo na ako, naghubad ng damit si Caile at hinagis kay Aimee.


Saka ako napatingin kay Aimee na tanging likod lang ang nakaharap sa'min. Nakabikini siya.


Dahil ba dyan? Dahil ba sa suot niya kaya galit si Caile?


Hindi ko pa rin maintindihan, bakit kailangang magalit ni Caile?... bakit ang bigat sa dibdib ko lahat ng nakikita ko?


"Oh my God."

"Look."

"What's happening?"

"What is he doing?"

"Aww why do they have to look so cute?"

"Nakakainggit."


Malinaw kong naririnig ang mga bulungan kahit pa bulong lang iyon. 


Sinuot ni Aimee ang tshirt, habang ginagawa niya iyon, napasulyap sa amin si Caile. Saka lang ata niya napansing nandoon kami. Our gaze met, sandali akong tinakasan ng hininga dahil doon.


May sinabi si Aimee dahilan para mawala sa amin ang tingin ni Caile. Maya maya pa ay nauna nang naglakad si Aimee at sinusundan siya ni Caile. Hanggang sa mawala sila sa paningin namin.


Wala na sila pero ang malakas na tibok ng puso ko at ang bigat doon ay hindi pa rin nawawala.


Friday pa nangyari iyon. Linggo na ngayon pero hindi pa rin maalis-alis sa isip ko. Saka ko lang nalaman ang totoong nangyari noong makabalik na ako sa bus. 

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon