Ch. 51: Bewitched

215 13 4
                                    


CAILE'S POV


"Almusal tayo."-aya ko sa lahat dahil anong oras na at wala pa kaming almusal, sa lahat ng inaya ko, lima lang ang sumama sa'kin, kasama si Tamarra. Mainam na rin, mas kaunti mas bawas gulo. Sa cafeteria kami dumiretso, naunang bumili ng pagkain ang iba at kami nina Tamarra at Jade ang nahuli, pabalik na rin sana kami sa napili naming pwesto nang mapansin kong nakalimutan kong kumuha ng spoon and fork.


Pinasuyo ko ang pagkain ko kina Jade saka ako bumalik sa counter para kunin ang nakalimutan ko, nakisuyo rin si Jade kaya kinuha ko siya ng fork, umabot na rin ako ng tissue at pinunasan ang mga utensil habang naglalakad pabalik sa mga kasama ko.


Malapit na ako sa kanila nang biglang lumipad ang tingin ko sa kabilang table, ilang lamesa mula samin ay may napansin akong pamilyar na mukha at pamilyar na bulto ng katawan. 


Kusang nahinto ang paa ko sa paglalakad at napatitig sa likod ng lalaki na nakikita ko nang makilala ko kung sino 'yon. 


At kusang huminto sa pagtibok ang puso ko nang umangat ang katawan ng babae palapit sa mukha ng lalaking nakatalikod mula sa pwesto ko.


Kusang nalaglag ang hawak ko nang may abutin si Aimee sa mukha ni Andy.


Nagulat ako sa kalansing ng kutsara't tinidor na bumagsak sa sahig, automatic na napayuko ako para abutin ang mga nalaglag ko. At ginawa ko iyon nang wala sa loob.


"Uy what happened, Caile?"


Narinig ko iyon pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya, pero tingin ko may kinalaman iyon sa pagkalaglag ng hawak ko.


"Nabitawan ko. Sorry. Kukuha nalang ako ng bago."-sagot ko, tumayo ako at tumingin sa kanila. Tumalikod ako pero bago iyon hindi ko napigilang hindi silipin ang nasa kabilang lamesa.


Humugot ako ng malalim na hininga saka napayuko sa kamay ko habang pabalik sa counter, napakunot ang noo ko nang makitang nanginginig iyon. Pinakiramdaman ko ang dibdib ko, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.


Nagsimula na akong pagdudahan ang reaksyon ng katawan ko.


Hindi na ako inaantok pero tamad na tamad pa akong bumangon sa kama. Medyo masakit ang braso at binti ko pero hindi ko na ininda iyon. Wala akong gustong gawin o isipin. Ang gusto ko lang ay manatiling nakasubsob sa unan at nakadapa sa kama.


Sabado ngayon at closing ceremony at awarding sana pero hindi na ako pumasok. Ito ang kauna unahang pagkakataon na umabsent ako sa isang event sa loob ng dalawang taon ko bilang presidente pero hindi man lang ako nagwoworry dahil doon. 


"Caile uulan na ata, pasok na tayo."


Mula sa pag-iisip kung anong nangyari kay Tamarra at Andy at bakit parang nagiging malapit si Andy kay Aimee ay napalingon ako Tamarra.


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon