Ch. 6: Agree

228 17 3
                                    


TAMARRA'S POV


"Mabait si Caile 'no."-bigla kong nabanggit kay Andy. Sabay kaming naglalakad at ihahatid niya ako hanggang sa labas ng building namin.


"Oo. Halata naman eh."-sagot niya. Nalunod ako sa malalim na pag-iisip kaya naman hindi ko napansing nasa harap na pala kami ng building namin, natuloy tuloy ako sa paglakad kaya naman—


"Tam!"


Huli na. Napatid ako sa elevated step papasok sa Einstein. Agad akong tinulungan ni Andy tumayo. Siya pa ang nagpagpag sa palda ko.


"Hindi ka ata informed, bawal ang tanga dito."-agad akong napalingon sa taong nagsalita mula sa gilid namin.


Si Aimee.


"Hindi niya lang napansin."-Andy hissed. Kunot noong tinignan niya si Aimee, na nagkibit balikat lang.


"She has an attitude."-bulong ni Andy habang sinusundan ng tingin ang papaalis na si Aimee.


"Alam ko 'yan."-sang-ayon ko. Humarap na ako kay Andy para magpaalam. "Pasok na 'ko ha."


"Sige sige. Pero okay ka lang ba?"-sinilip niya ang tuhod ko, tumango lang ako. "I love you."-natigilan at nangiti ako bigla, hindi ako sanay na sinasabihan ng ganyan kasi kahit sa parents ko hindi ko naririnig 'yan.


"I-I love you too. Una na 'ko ha?"-at tinalikuran ko na siya. Nilingon ko nalang uli siya bago pa man ako makapasok ng building namin. Nakatalikod na siya at naglalakad pabalik sa kanila.


I can't help but to think na ang swerte ko sa kanya.


***

AIMEE'S POV


Hindi kami magkabuilding pero bakit madalas ko siyang makita? I hate her. All of her. 


I felt Meg's presence beside me, sumabay siya sa'king maglakad. Siguro ay galing siya sa cafeteria at pabalik palang din sa room ngayon.


"Do you think I should transfer again, Megan?"-tanong ko nang hindi siya nililingon. "I transferred from Helene to here solely because I'm tired of seeing Tamarra, tapos lumipat din pala siya? And of all schools, dito rin?"


That girl never fail to spoil my day. Anino palang niya sinisira na agad ang mood ko.


She chuckles.


"Chill Ae, pilitin mo nalang si Caile, kasi 'yung planong naisip mo, siya lang ang makakapag-execute no'n."


"Ayaw nga akong tulungan ng baklang 'yon eh."-napalakas ang boses ko out of frustration.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon