Ch. 18: Pageant (Practice) II

163 13 1
                                    


TAMARRA'S POV


K-Kami?


"Now get up in the stage at pakisabi kay Mrs. Santos na kasali kayo sa production."-Ms. Hazel instructed bago kami iwan.


Napalingon ako kay Caile. Hindi ko masabi kung anong iniisip niya but one thing's for sure, hindi siya natuwa sa sinabi ni ma'am.


He unconsciously placed his right hand on his hips. Humarap siya sa gilid niya saka  humugot ng malalim na hininga.


Mukhang ayaw niya sa idea na 'to.


Tumikhim ako. "Caile, kung ayaw mo pwede namang... namang--"


Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla siyang humarap sa'kin.


"Hindi mo naman sasabihin na magback out din tayo, hindi ba?"-I was about to say that. "No avail, tayo nga ang ipinalit sa nagback out kaya hindi na tayo makakapagback out pa. Isa pa, hindi naman talaga pwede ang magback out once na napili kang participant, hindi ko alam kung paanong nakapagback out 'yung magpartner na nagback out nga. Leche."-hindi nalang ako nagsalita. "Tara na nga."-nilingon niya ako uli saka nginuso ang stage. Lumapit kami doon pero naiwan ako sa gilid ng stage, si Caile lang ang umakyat.


Naramdaman kong may nakatingin sa'kin. Lumingon ako sa stage at agad kong nasalubong ng tingin si Aimee. Sa gulat ko ay napaiwas ako ng tingin at sa pag-iwas ko, mata naman ni Andy ang nasalubong ko. 


Saka ko biglang naalala na kasali nga pala siya dito, at si Aimee ang partner niya.


Kasali nga pala sila dito. 


Naputol ang eye contact namin nang balikan ako ni Caile.


"Tara na."


Tumango ako at nakayukong umakyat sa stage kasunod niya.


"So, may pair palang nagback out and Caile and Tamarra here will replace them as a pair."-si Ms. Zanette, isa sa dance instructors.


Loud whispers started to spread among the students.


"Omg, sasali si Caile."

"For the first time."

"Caile! Beat us!"

"Caile, win this one."


Napalingon ako sa kanya. Wala naman siyang reaksyon sa mga naririnig niya.


Tinuro sa'min ni ma'am ang magiging pwesto namin at agad naman kaming pumunta doon ni Caile. Pero bigla akong nailang nang makita katabi namin ang pwesto ni Aimee at Andy.


Sandaling nagpaalam si Miss para lumabas. Agad na nagtabi tabi ang magkakakilala para mag-usap muna, bigla namang lumapit sa'kin si Alliya, isa siya sa mga kasali dito.


"Wala kang nabanggit na ipapasok ka dito."-bungad agad niya.


Nagkibit balikat ako. "Wala rin kasi akong alam."


Nahinto kami sa pag-uusap nang lumapit sa pwesto namin si Andy.


"Iya, pahiram muna ako nito."


Agad na tumango si Iya. "Oh sure."-mabilis din siyang tumalikod at iniwan kami pagkasabi no'n.


Humarap ako kay Andy. "Bakit?"


"Bakit hindi mo sinabi?"-bigla siyang lumabi. Parang gusto kong tampalin ang bibig niya bigla. Ang cute niya kasi sa gano'ng gesture.


Natawa nalang ako. "Hindi ko rin alam, biglaan 'to. Kahit si Caile nagulat."-dahil bigla kong nabanggit si Caile, napalingon ako sa kanya.


Nakatayo siya sa likod banda ni Andy, nakacross ang braso na nakatayo lang doon.


"Tamarra!"-biglang tawag ni Andy sa pangalan ko na parang may magandang ideya siyang naisip, napalingon uli ako sa kanya dahil doon.


"Bakit?"


"Ikaw nalang partner ko."-he suggested, his eyes are beaming na parang magandang suggestion ang binitawan niya.


"Ha?"-wala akong nasagot kung hindi iyon. He's looking at me na parang inaasahang papaburan ko ang suggestion niya.


"Hey, how about me?"


Sabay kaming napalingon kay Aimee. Nakatayo siya malapit din sa likuran ni Andy at halos katapatan niya lang si Caile.


"Ayan si Caile. Siya nalang. Gusto kong ka-partner si Tam."-Sagot ni Andy sa kanya. 


Tinaasan siya ng kilay ni Aimee.


"Do you think I want Caile as my partner?"-sagot niya sa paraang nakakaoffend para sa side ni Caile. 


Biglang nagreact si Caile dahil doon. Tumayo siya ng maayos at hinarap si Aimee.


"Hey, tingin mo gusto rin kitang partner? Ni hindi ko nga gustong masali dito eh."


Bahagya lang siyang nilingon ni Aimee. "I'm not talking to you."


"Buti nga may kumakausap pa sa'yo."-binalingan ni Caile si Andy. "Sa'yo si Aimee, sa'kin si Tamarra para walang gulo."


"How about my will?"-hirit pa ni Andy.


"Huwag mo na ngang guluhin ang arrangement. Hindi rin kita gusto maging partner pero ikaw na ang pipiliin ko kesa kay Caile. Now let's go back to our place. Don't your dare to complain or I'll cut off your tongue."


Hinila ni Aimee si Andy papunta sa pwesto nila. Hindi ko na sila pinansin dahil ang attention ko nasa puso kong mabilis ang tibok.


Sa'yo si Aimee, sa'kin si Tamarra 


Walang ibang ibig sabihin iyon pero binibigyang kahulugan ng puso ko.


Nagsisimula na akong malito at kabahan.

________________________________

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon