Chapter 60: Christmas party I

237 17 3
                                    


CAILE'S POV


Sunday is a  superb dahil nakabonding namin sina mom and dad buong araw. Para kaming bumalik ni ate sa pagkabata dahil sa pagtrato nila samin na parang bata. Siguro bumabawi sila sa mga years na wala sila dito. Nakakalungkot lang na hindi sila magtatagal dito, papalipasin lang nila ang new year. Hindi naman kasi talaga sa Pilipinas nakabase ang pamilya nina mom at dad, sa US, kaya natural lang na ang negosyo namin ay nandoon din. Meron man dito pero maliliit lang. 


Pwedeng pwede rin na doon kami mag-aral ni ate at tumira, pero dahil dito kami lumaki, hindi na namin ginustong umalis dito. Hanggang noong 8 years ako at 13 si ate, bumase na rin sina mama sa US at naiwan kami kay manang, binibisi-bisita nalang nila kami.


Wala naman akong sama ng loob doon, ramdam na ramdam ko pa ring may magulang ako kahit malayo sila.


Masyadong matagal na hindi sila nakauwi kaya ngayon ay punong puno sila ng kwento, masyadong madaldal si mom, na sinasabayan ni ate. Halos hindi kami makasingit ni dad. Sumali pa si manang, mas naging maingay tuloy. Nagpahinga lang si ate kakasalita nang dumating si kuya James na boyfriend niya. Hindi ito ang unang beses na magkakaharap sila dahil ilang beses na ring isinama ni ate si kuya sa US noon kapag may importanteng family gathering.


Hindi ko alam kung paano umikot ang kwento at sa akin napunta ito.


Hindi ko rin alam kung paanong nangyari na nasa tabi ko na si mom, lahat kami ay nakaupo sa floor mat ng entertainment room, ang pagkain ay nagkalat at nakabukas ang TV na may palabas na movie na wala nang pumapansin.


Bigla niyang kinurot ang braso ko. "Nagkakaroon na ng biceps ang baby ko."


Napahawak ako sa braso ko. "Mom..."


Bigla siyang lumapit at sinipat ang mukha ko, hinaplos niya ang pisngi ko, para akong maduduling sa lapit niya sa'kin. "Naggoglow ang face mo, you're blooming! Anong ginagamit mo?"


Anong ginagamit?


Biglang tumawa ng malakas si ate. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman angkop ang malakas niyang tawa sa pinag-uusapan nila. Napasulyap ako sa kanya at nakita kong sa'kin siya nakatingin. 


"Ang gwapo oh. I like it more kung ganito ang buhok mo."-she brushed my hair up. "Ayan, mas gwapo."


"Talaga?"-mommy ko 'yan kaya syempre paniniwalaan ko lahat ng sinasabi niya. 


Tumango siya. "Yes."-bigla niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko bago umupo uli ng maayos, napangiwi ako. "Nalaman ko na halos lahat about ate, pero sa'yo, wala pa akong naririnig."


"How's studies, Caile?"-tanong bigla ni dad.


Umupo ako ng maayos. "Good. Sure nang gagraduate ako sa March, dapat umuwi uli kayo no'n ah."


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon