Chapter 61: Christmas party II

181 12 0
                                    


ANDY'S POV


Sa kalagitnaan ng Christmas party ay pasimple akong lumabas para pumunta ng banyo, sandali lang at mabilis din akong bumalik. Habang nagpupunas ng kamay palabas ay may natanaw akong pamilyar na bulto.


Even in a blue dress, wavy hair, and light make-up, nakilala ko pa rin siya.


Si Aimee.


Napangiti ako bigla. Binalak kong sundan siya. Simula nang ma-SCO kami ay hindi ko pa siya nakakaharap uli. Hahabulin ko sana siya pero napatigil ako nang huminto siya sa gilid ng classroom namin.


Hindi ko na nagawang matanong sa sarili kung anong ginagawa niya doon nang wala pang ilang segundo ay lumabas si Caile mula sa loob.


Sandali silang nag-usap, saka sabay na bumaba. 


Aalis sila... nang magkasama?


Confusion crossed my mind while disappointment crossed my chest.


Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa lumiko sila pababa ng hagdan. 


I'm confused dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong relasyon ang meron sila. Gusto kong malaman kung ano 'yon. And disappointed kasi... interesado ako kay Aimee.


I don't know when it started, basta ko nalang narealize na I'm interested in her.


It's just sad that I can't pursue this lalo na kung may namamagitan na sa kanila ni Caile. Of all people, sa kanila ni Caile.


Kilala ko si Caile noon pa, he's gay, kung bigla nga niyang sasabihin na may gusto siya sa'kin ay hindi na ako magugulat. Pero kung tatanungin ko siya bigla at sasabihin niyang may gusto siya kay Aimee... doon, doon talaga ako magugulat.


At baka hindi ko na rin kailangan pang tanungin siya, kasi kung aalalahanin ko ang mga actions niya toward Aimee noong fieldtrip, sportsfest, iyong sa SCO, those secret glances na minsan ay nahuhuli ko, lahat 'yon speaks something. 


Nakaramdam na naman ako ng panghihinayang. Marunong naman akong rumespeto, kung may ano na sa kanila, hindi na ako makikigulo. Ginawa ko lang naman ang ginawa kong paghalik kay Aimee noong nakaraan dahil may gusto akong patunayan. At napatunayan ko na 'yon ngayon.


Caile's into Aimee.


Ayoko lang tanggapin agad dahil baka nagkakamali lang ako. Gusto ko pang umasa na mali pa ako. Kaso sa nakita ko ngayon... wala man akong masyadong nakita bukod sa magkasama silang umalis... pakiramdam ko sagot na 'yon sa tanong ko.


Sayang talaga. Mukhang hindi na ako makakaulit kay Aimee. Dahil bukod sa nakakatunaw ang masamang tingin sa'kin ni Caile nang araw na 'yon, muntikan na rin akong masample-an ng bakal na kamay ni Aimee. Definitely, hindi siya natuwa sa ginawa ko.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon