Ch. 1: Caile Christian Lajara

1.3K 25 9
                                    


NOTE:

Chapters 1-3 medyo sabog, apat na ulit ko kasing tinype eh, nabubura kasi sa notepad.

And, Caile is pronounced as KYLE

Last, ang corny talaga ng simula, ako na ang magsasabi bago pa kayo.

____________


"Paano na 'to?" Tanong ni Milliano sa mga kaibigan.


"Kapag malaman ni Caile, magwawala 'yon." Si Nathe habang kagat kagat ang daliri niya.


"Kapag hindi naman natin siya ininform na alam natin, lagot tayo." Salo ni Nikko habang nakasulyap sa dalawang magjowa na nakaupo sa bench, sa bahagi ng garden.


"Sira, sabihin man natin o hindi, malalagot pa rin tayo" Si Nathe uli. "Kung bakit naman kasi hindi na lang sukuan ni Caile 'yang si Andy eh. Waley naman siyang chance dyan."


Tinignan siya ng masama ng mga kaibigan niya. "Sa'yo talaga nanggaling 'yan?" Nakaarko ang isang kilay na tanong ni Joshua sa kaibigan. Umismid si Nathe at hindi na nagsalita.


Sabay-sabay silang napabuntong hininga saka lumingon uli sa isang bahagi ng garden mula sa 4th floor kung nasaan sila.


Kilala nila ang kaibigan, kantiin mo na lahat, 'wag lang ito at si Andy nito. Sumpaan, world war III 'yon.


Nasa labas sila ngayon ng Student Council office. Sa loob ay nandoon ang kaibigan nilang si Caile at ka-meeting ang council officers para sa school calendar nila para sa school year na iyon. Caile is the council president of the prestigious Thelistine High.


4th day of their 4th year HS life at wala sana silang problema ngayon, hindi sana nila poproblemahin ang galit ni Caile kung hindi lang sana nila nalaman na yung lalaking kinababaliwan ng kaibigan nila, may girlfriend na.


"Tara pasukin na lang natin, bahala na." Akmang bubuksan na ni Milliano ang pinto nang bigla itong bumukas.


"Ay!"

"CAILE!"

"Prend!"

"Kingina."


Sabay sabay nilang tili nang wala sa oras.


***

CAILE'S POV


"Caile hindi sila ice cream, di mo sila matutunaw sa titig mo." Napalingon ako kay Joshua dahil sa sinabi niyang iyon.


"Tigilan mo 'ko." 


Ginawa naman niya, binalik ko sa garden ang paningin ko. Lunch breakk at lumabas ako ng SCO para sana kumain kaso nawalan na ako ng gana ngayon, paanong hindi kung may hindi kaaya-ayang view akong makikita. 


"Sino 'yang babaeng 'yan?" Tanong ko pa sa kanila.


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon