Ch. 54: Confusion

168 13 1
                                    


CAILE'S POV


"I'm sorry kasi, hindi kasama sa oath ko ito bilang secretary mo but... I have fallen for you. I-I mean... I don't know how or when or why basta bigla nalang...bigla ko nalang naramdaman. And I'm scared, really scared, dahil... lumalala siya. I-I don--"


"Stop."-utos ko.


Tinitigan ko siya. Nakayuko siya sa lupa. Mahigpit na magkahawak ang kamay niya, nanginginig iyon. 


What the hell... anong sinasabi niya?


"Tamarra don't joke me."-seryoso kong sagot. Hindi nakakatuwa iyon... kung biro nga lang iyon.


Pero hindi ka tanga Caile, at kilala mo siyang masyado para masabing gagawing biro lang niya ang mga ganyang bagay.


Pero hindi pwede iyon.


Nag-angat siya bigla ng tingin, nagulat ako nang kasabay no'n ay may tumulo na luha sa mata niya. Mabilis niyang pinunasan iyon. Bigla akong nakaramdam ng mahinang kurot sa dibdib. 


"M-Mukha ba akong nagbibiro l-lang?"


Para akong natauhan sa tanong niya. Kinilabutan ako at biglang nalito. Nag-unahan ang tanong sa isip ko at hindi ako makapaniwala.


"B-Bawiin mo nalang yung sinabi mo."-wala sa sariling pakiusap ko.


"I-Iniinsulto mo ba ako?"


"B-Baka nagkakamali ka lang."-pilit ko. At hindi siya nakasagot agad.


Ginamit kong pagkakataon ang pananahimik niya para pag-isipan ang mga sinabi niya. Pinilit kong isipin kung ano, bakit, paanong may sinasabi siya sa'king ganyan.


Dinala ko siya dito dahil gusto kong i-share ang lugar, paanong nangyaring may sinasabi na siyang ganyan sa'kin ngayon?


Napapitlag ako nang magsalita siya uli. 


"Ganyan ka ba magulat? Itinatanggi mo ang bagay na sinasabi sa'yo at pilit pinapalabas na mali 'yon?"


Para na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi niya... at dala ng tono ng boses niya.


Damn you, Tam. Para mo akong kinukonsensya.


"N-No."-nalito na naman ako. Huminga ako ng malalim at sandaling luminga sa paligid. "T-Tamarra... alam kong alam mo ang tungkol sa ginawa namin ni Aimee before. That... that we planned to-- basta alam mo 'yon. Don't tell me now na may gusto ka-- or whatever it is --- sa'kin, dahil hindi ko alam ang iisipin kung paanong nangyari yon."-napaiwas siya ng tingin at may tumulo na namang luha sa mata niya. Kasabay ng confusion ay kinakain ako ng guilt. 

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon