Ch. 55: Rejection

223 13 0
                                    


AIMEE'S POV


"Prepare to see sunflowers." 


Kusang nagmulat ang mata ko upon hearing that faint voice. Umayos ako ng upo kahit maayos naman ang pagkakaupo ko saka pinakinggang maigi kung nasaan banda ang boses na narinig ko.


Nakakagulat na bukod sa'kin ay may iba pa palang nagagawi sa parteng ito ng garden. Akala ko kasi ako lang ang nakakaalam ng lugar na 'to--- kahit imposible iyon--- dahil sa twing napupunta ako dito ay wala akong nakikitang ibang tao. 


"Sunflower represents adoration and pure love. Iyan ang pinakahuling itinamin dito kaya nandoon iyan sa bungad, sa loob ay may ilang klase ng bulaklak pa ang nakatanim."


Nasa parte sila kung nasaan ang sunflowers, nasa bungad pa lang sila. Malayo sa kung nasaan ako, and I bet whoever they are, they won't gonna notice me sitting here. Ang pwesto ko ay may mataas na halaman sa tabi, sapat para hindi ako mapansin ng kung sino mang dadaan.


"Banda doon ang white camellias. Again, it symbolizes adoration."


Sinara ko ang librong kanina ko pa hindi binabasa, I came here to to read. I always come here whenever I need peace. This place gives me what I need. 


"Naligaw ako sa loob, akala ko hindi na ako makakalabas, pero nakita ko ang director dito."


"Si papa?"


I stiffened upon hearing that. Sinong tatawag sa director ng...


Tamarra?


Kusang kumunot ang noo ko. Bigla kong nakilala ang boses ng mga nagsasalita.


She's with Caile?


"Yes, ang papa mo. Nakita niya akong naliligaw. I asked for his help para makalabas dito dahil papatapos na ang lunch break, pero tinawanan niya ako. Hindi pa ako ang president that time, hindi pa rin kami magkakilala ng personal. But he toured me here na akala mo bisita niya ako. Doon ko nalaman ng bahagya ang istorya ng lugar na 'to."


Natigilan uli ako. Hindi ko napansing napahigpit ang hawak ko sa libro hanggang sa matusok ang palad ko sa tip ng book na may plastic cover. 


"Corny as it may sound but he calls this place as garden of love."


Bigla akong napatingin sa paligid, and my sight went back in time when I  first stepped into this place...


"Aimee."


"Moooom."-I cried.


"Look, your classmates are looking at you, some are laughing, aren't you embarrassed?"

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon