Ch. 43: Rumors

178 14 2
                                    


TAMARRA'S POV


I'm sorry, Andy.


Parang may karayom na tumutusok sa dibdib ko habang pinapanood ko siyang lumayo.


Pero...


Iba pa rin yung suntok sa dibdib na naramdaman ko nang si Caile ang lumayo kanina para habulin si Aimee.


Pinunasan ko ang luhang kanina ko pa pinipigil pero hindi naman nagpapaawat. Hindi ko na alam kung anong iniiyakan ko, basta sobrang bigat ng dibdib ko.


Hindi ko na nakuhang bumalik ng Einstein, nakita ng buong section namin ang nangyari kanina, wala akong mukhang ihaharap sa kanila ngayon. At mas wala akong masasagot sa mga posibleng tanong ni Alliya sa'kin. 


Hindi ko alam kung saan ako pupunta.


Wala sa sariling naglakad ako palabas ng building at naglakad papuntang gym. Sumilip ako at walang nagkaklase doon. Umakyat ako sa bleachers, sa pinakatuktok, at sumandal sa sementong poste na nandoon. Walang makakapansin agad sa akin malibang may taong tatayo sa gilid ng basketball ring at titingala sa lugar ko.


Mula sa pwesto ko ay pinanood ko ang iilang estudyanteng natatanaw ko mula sa bintanang may grills.


Nakakaramdam na naman ako ng inggit, why can't I be like them? Bakit hindi matahimik ang buhay ko? Iyong walang issue, walang umaaway, walang Aimee.


Noon gusto ko lang makilala ang papa ko, pakiramdam ko kasi iyon lang bubuo sa pagkataon ko. Noong nakilala ko siya, sandaling panahon lang ako sumaya, dahil sa pagdating niya, kasabay niyang dumating si Aimee.


Iyon ang sumira sa tahimik kong buhay.


Grade four ako nang makilala ko si papa. Pinaliwanag nila sa akin ang dahilan kung bakit hindi ko agad siya nakilala, kung bakit hindi sila magkasama ni mama. Hindi ko masyadong naintindihan ang dahilan noon, naintindihan ko nalang iyon nang lumalaki na ako.


Grade five nang dalhin kami ni papa sa bahay niya. Doon ko unang nakita si Aimee dahil hindi sinasadyang napunta ako sa gazebo kahit na sa CR dapat ang punta ko. Lumapit ako sa kanya para magtanong kung nasaan ang hinahanap ko, tumayo siya mula sa kinauupuan niya at ngumiti siya.


I swear nasa isip ko noon na isa siya sa mga disney princesses na napapanood ko sa TV namin. Sobrang puti niya, itim na itim ang buhok na nakabraid. Doll eyed. Kahit sa simple niyang damit mukha siyang prinsesa.


Nagulat pa ako nang bigla niyang iabot ang isa sa hawak niyang doll.


"Do you want to play with me?"


Nakangiting tanong niya, may accent. 


"That's Summer, Barbie's friend and the brother of Barbie's ex-boyfriend, Blaine."

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon