Ch. 15: Interruption

159 14 1
                                    


CAILE'S POV


Pinatawag ako ng director para sabihing mas mapapaaga ang school pageant. Saglit lang naman niya akong kinausap pero dahil kumikirot ang sentido ko, hindi na ako humabol sa meeting naming officers. Dapat babalik nalang ako sa room pero napababa ako sa garden nang makita kong nag-iisa si Andy sa isang bench sa baba. Dala ng hindi ko malaman kung kalandian ba o ano, bumaba ako at nakiupo sa inuupuan niya kahit may ibang upuan naman na walang nakaupo.


"Paupo ako, ah."-paalam ko kahit hindi naman na kailangan. Umupo ako at sumandal sa sandalan. Pinikit ko ang mata ko dahil sa sinag ng araw na medyo natatakpan lang ng puno ng mangga.


"Akala ko may meeting kayo?"-tanong niya, malamang na nalaman niya 'yon dahil kay Tamarra.


Tumango ako. "Meron. Pero kaya na nila 'yon, kumikirot sentido ko kaya hindi na ako humabol sa kanila."


"Ah. Take med."


"Maybe later."


A peaceful silence comes next. Pinapakiramdaman ko lang siya habang nakapikit. Parang may uod sa dibdib ko na kumakagat sa puso ko, imbis na masaktan, nakikiliti lang ako.


Humangin ng malakas at nilipad papunta sa ilong ko ang amoy ng pabango niya. I breathe deeply.


Sana ganito nalang palagi.


Pero dahil walang forever...


"Andy! Andy!"


Napamulat ako ng mata. Hindi naman sa pagiging chismosa pero napalingon na rin ako kahit hindi naman ako ang tinatawag dahil nagmamadali at may panic sa boses ng sumisigaw. Paglingon namin ay may babaeng tumatakbo palapit sa kinauupuan namin.


"Caile!"-sigaw niya nang mapansin niya rin ako.


"May sunog ba?"-pabiro kong tanong. Kung makatawag naman kasi eh.


Umiling siya. "Caile... Andy. Si Tamarra at Aimee... sa caf."-hinihingal kaya paputol putol niyang balita. Hindi ko alam kung anong nangyari pero dahil si Aimee ang involve, expected ko nang gulo iyon.


Pero si Tamarra?


A great interruption!


Mabilis na naglakad takbo si Andy papasok ng building at mabilis din naman akong sumunod sa kanya. Tumigil kami sakto sa entrance ng caf. Tahimik na tahimik ang buong pero alam mong may nangyayari dahil nagkukumpulan ang students sa labas ng cafeteria. 


Mabilis akong nakisiksik sa mga students at nang makita nila ako ay kusa nang tumabi ang iba. And just in time nang makapasok ako sa loob, sumalubong sa paningin ko sina Tamarra at Aimee. Lalapit palang sana ako sa kanila nang biglang...

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon