Chapter 58

196 15 1
                                    


CAILE'S POV


Pumasok ako ng room, nagsisimula na ang world literature class namin. Mahina akong bumati sa teacher pagdaan ko sa harap niya bago dumiretso sa upuan ko, si Nathe na nakaupo sa upuan ko ay bumalik sa sariling upuan niya nang makapasok ako.


Pumasok nga ako pero wala sa klase ang isip ko. Umiikot sa isip ko ang huling sinabi ni Aimee kanina, masyado kong pinaniwala ang sarili kong totoong may boyfriend siya kaya ngayon hindi pa tinatanggap ng isip ko na hindi totoo 'yon.


Hindi niya alam kung gaano kabigat sa dibdib na kasabay ng realization ko na may gusto ako sa kanya ay iniisip ko yung katotohanan na may boyfriend siya. Tapos...


Si Aimee ka talaga eh, hindi pwedeng walang pasabog.


Inalala ko ang araw na narinig ko sa Director's Office ang confrontation nila ng director tungkol sa boyfriend na 'yon, inalala ko ang panlilisik ng mata niya sa galit noong hindi siya makapag take ng entrance exam sa Aiart University-- university kung nasaan ang boyfriend niya-- at tingin niya may kinalaman ang papa niya doon. Galit siya, tingin ko totoong galit 'yon, kung hindi niya boyfriend yung Timothy... bakit kailangan niyang magpakita ng ganoong galit sa sarili niyang tatay? Ano palang rason no'n?


Hindi ko makuha.


Naalala ko pa, nakausap ko pa siya sa labas ng DO, nahuli niya akong tumatawang mag-isa, tinanong niya ako tungkol doon at nang sinagot ko naman, napangiti siya bigla. Sinabi kong natatawa ako sa thought na may boyfriend siya at napangiti naman siya! Kung hindi totoo yung Timothy-- na hindi ko na alam ngayon kung nag-eexist bang talaga--  saan niya nakuha ung mga reactions niya noon?


Bakit kailangan niyang sabihin sa director na may boyfriend siya? Bakit ang sabi ng director hindi niya gusto ang boyfriend na 'yon? Base sa pagkakasabi niya ng ayaw, parang nameet na niya yung lalaki.


Ano 'yon stage boyfriend?


Pumapatol ba sa ganoon si Aimee? At kung oo, para saan? For the sake of rebellion? 


Ayokong mag-assume, knowing Aimee, hindi siya gumagawa ng bagay na may mababaw na rason. 


Maliban noong unang nagkakilala kayo, Caile. Hindi mo sinasadyang makagawa ng kasalanan sa kanya at pinatulan ka niyang bigla. Pinatulan mo rin dahil hindi ka nagpapapigil at ginantihan ka rin niya... naalala mo 'yung polboron? 


Napayuko ako nang bigla akong mangiti.


Habang inaalala ko ngayon... ang childish ko pala talaga. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umakto sa edad at posisyon bilang presidente noong mga panahong nag-aaway kami ni Aimee. At nakakagulat na siya rin hindi umaktong bilang siya noong mga panahon na 'yon. Childish din ang pinakaunang Aimee na nakilala ko. At kung hindi ko nalaman ang kwento sa likod ng pinaggagawa niya, lalo na kay Tam, siguro hanggang ngayon iniisip kong childish at simpleng brat lang siya. 


Pero 'yung polboron talaga.


Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon