Ch. 46: The Witch

180 13 2
                                    


CAILE'S POV


Friday.


"Caile, sa DO."


Natigil ako sa pagpasok ng SCO, sinimangutan ko si Jiro, hindi man lang ako pinapasok muna bago maghatid ng balita, pabukas palang ang pinto nakahanda na ang dila niya para palabasin ako uli.


"Maya maya."-tumuloy pa rin ako sa desk ko. Hinanap ko ang notebook ko na pinagsulatan ko ng details about sportsfest, malapit na kasi 'yon at just in case magtanong si Director tungkol doon, handa ako.


For some unknown reason bigla akong kinabahan. Saka ko naalala ang mga nangyari weeks ago. Wala sa sariling napalingon ako kay Tamarra na nakapalumbaba sa desk niya habang nagsicellphone. Ngayon ko lang narealize na ngayon nalang uli ako haharap sa Director simula noong malaman ko nang hindi sinasadyang dapat malaman tungkol sa kanila.


Dapat lang naman akong umaktong normal di'ba? Wala naman akong right to react about it kasi labas naman ako doon.


So ba't kailangang kabahan, Caile? Mema lang?


"Bakit?"-tanong ni Tamarra. Saka ko lang narealize na nakatingin pa rin pala ako sa kanya, at napansin na niya 'yon. Bigla akong napahiya sa kanya at sa sarili ko rin.


"Wala."-binalik ko ang tingin ko sa notebook na hinahanap ko. "May itatanong sana... kaso hindi ko maalala kung ano 'yon."-palusot ko. Hindi na siya sumagot. Nang lumipas ang limang minuto at hindi ko pa rin nahahanap ang notebook ay nagdecide na akong kalimutan 'yon at pumunta na ng DO bago pa maubos ang oras at matapos ang lunch break.


Iniisip ko ang mga possible reasons kaya pinapatawag na naman ako, bukod sa weekly report ay ang sportfest lang ang naiisip kong rason. Kumatok ako nang makarating ako sa harap ng office, binuksan ko na iyon at sumilip bago pa ako makarinig ng response galing sa loob.


Nakatingin na ang Director sa pinto nang masilip ko siya. "Come in."


"Good afternon po."


Tumango siya, pumasok na ako at dahan dahang sinara ang pinto. Saka ako umupo sa harap ng desk niya.


Tumikhim siya.


"Brief announcement. In two weeks' time magsisimula na ang sportsfest, inform the students about their respective teams. Nagriready na ang coaches and faculty for the event, approach them and ask for necessary things they'll be needing then inform me."-pasimple ko nang binuksan ang recorder ng phone ko, wala akong dalang kahit ano para sana masulat ko ang mga sinasabi niya kaya tatango tango nalang ako ngayon. "Since nagahol tayo sa oras ngayon, from the usual 6 groups, cut it into 4, kung hindi gagawin 'yon ay mas mapapatagal ang printing ng shirts and other paraphernalia, hindi aabot 'yon sa araw ng event."-sandali siyang may inayos sa table niya bago magpatuloy. "Another thing, from the usual one week, magiging tatlong araw nalang ang---"


Blag.


Napatigil ang Director at halos sabay kaming napalingon sa pinto nang pabalibag iyong bumukas. Kusa akong napatayo nang  makita ko kung sino ang may gawa no'n.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon