Ch. 35: Fieldtrip III

204 14 12
                                    


CAILE'S POV


Tahimik kaming kumakain ng buong section nang biglang sumulpot si Jiro mula sa kung saan saka kinuha si Andy.


"Ano 'yon?"-tanong ni Nathe sa'kin na siniko ako.


"Hindi ko alam."-sagot ko na sinusundan ng tingin sina Jiro. Napansin kong may hawak na posas si Jiro, saka ko lang naalala ang activity ng SC. "Ah... that under arrest upon request."-maya mayang sagot ko sa tanong nila. Hindi ko na i-explain kung ano iyon dahil na-announce na ng SC ang tungkol doon ilang araw bago ang fieldtrip. Ginawa ng SC iyon para magraise ng fund. Hindi naman kami nagkukulang pero ayos na ring mayroon kaming hawak. Sa game kasi na iyon, magbabayad ng 100 pesos ang sino mang may request na ipapahuli. Akala ko walang kakagat sa kalokohang iyon ng SC pero sa nakikita ko ngayon, mukhang meron.


Maya maya pa ay iniwan ko muna ang mga kaibigan ko sa cottage, inabot ko ang digicam ko at inikot ng tingin ang paligid, naghahanap ng magandang kuhaan. Inumpisahan kong kumuha ng picture sa dagat... sunod sa mga nakikita kong nag-eenjoy sa paliligo. Gusto ko yung mga candid shots. Pero ang papangit ng nakukuhaan ko. Blurred yung iba. Nayamot ako. Si ate naman kasi ayaw makisama, imbis ako yung gagamit ng dslr, kinuha niya. May laro raw kasi ang boyfriend niya. Maano bang digicam nalang muna ang gamitin niya at ipaubaya na niya sakin ang slr. Buwan buwan namang may laban si kuya James, ang fieldtrip namin once a year lang!


Badtrip talaga yung baliw na 'yon.


Hindi ko alam kung bakit pero parang hinila ang paningin ko papihit sa gilid ko, bandang likod na. At mula doon ay natanaw ko si Aimee. Nakayuko siya at may hawak na camera.


Urgh, dslr.


Nagulat ko nang mag-angat siya ng mukha at magsalubong ang tingin namin. Bigla siyang nagcurtsy... tama ba? Iyong bow na ginagawa ng mga prinsesa sa Disney. Matapos no'n ay bigla siyang tumalikod at umalis. Isa pa 'yon na malakas ang sapak eh.


Naiiling na nag-ikot-ikot ako para kumuha ng pictures. Pwede ko ring ipasa ang makukuha ko sa school paper committee—ang official publication ng Thelistine secondary campus— kahit hindi naman ako member no'n. Every end kasi ng first quarter and second quarter of school year ay naglalabas sila ng paper magazine.


Nabagot din ako maya maya kaya bumalik din ako sa cottage namin. Hindi ko naabutan ang mga kaibigan ko doon kaya sandali ko pa silang hinanap. Nakita ko sila sa naglalaro sa buhanginan, lumapit ako at natawa pa nang makita kong ibinabaon nila sa lupa si Nathe. Syempre pa, nakisali ako sa kanila.


"Oy mahirap huminga! Bawasan niyo naman yung nasa bandang dibdib. Papatayin niyo ata ako eh!"-reklamo pa ni Nathe.


"Alam mo magandang ideya 'yan. Di'ba? Di'ba?"-ngising tanong sa'min ni Nikko.


"Kapag natuloy 'yan prend susunod ka sa'kin, sinasabi ko sa'yo, susunod ka sa'kin!"


"Ang ingay Nathe! Baka pati bibig mo gusto mong lagyan namen?"-reklamo ni Josh.


Natatawang nagpagpag ako ng kamay. Nagpagpag din si Steven ng kamay pero sa may bandang mukha ni Milliano, dahilan para mapuwing si Millie. Sandaling nagkaroon ng habulan yung dalawa bago sila sabay na bumalik sa pwesto namin. Nagsisimula na ang 30 minutes ni Nathe para maiahon ang sarili niya sa buhangin, kung hindi siya magagawa ang task within 30 minutes, alam ko may consequence siya.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon