Ch. 11: Acquaintance party: Seducing Andy

175 14 1
                                    


AIMEE'S POV


Naunang pumasok ng hall si Caile. Maya maya lang ay sumunod na rin ako. Nag-i-start na ang program pagdating ko. Agad kong hinanap si Meg at madali ko naman siyang nakita dahil nasa isang sulok lang siya, sa liquor section.


"Hey."


"Oh Aimee, sino ka ngayong gabi?"


"Still Aimee."


Hindi ako nagportray na kahit ano o sinong anime character. Nagbihis ako sa kung anong bihis ang gusto ko. Hindi ako nagmake up maliban sa eye liner sa mata ko na medyo pinaglaruan ko ng konti. Mukha akong play girl sa itsura ko.


Well, I'm really a play girl. 


"We're really friends. Iisa ang tumatakbo sa isip natin."-she stated, looking at her, mukhang hindi rin siya nagcosplay.


Nilibot ko ng tingin ang paligid, saka humarap uli sa kanya. "Hey. Did you see Tamarra or Andy?"


"Nope. Why?"


"Nothing. Iwan muna kita ha."


Bago pa siya sumagot ay iniwan ko na siya. Kailangan ko palang talasan ang paningin ko dahil hindi sila madaling mahanap in the sea of cosplayers.


Sa kakahanap sa kanila, si Caile ang nakita ko. Nakaupo siya sa isang table pero malayo ang tingin niya.


Sinundan ko ang tinitignan niya, and... gotcha


Nakasunod siya ng tingin kina Andy at Tamarra. 


Napangisi ako. Mukhang susundin din naman niya ang suggestion at ngayon ay kumukuha lang ng timing para masolo si Tamarra.


Now Andy, I'll work on you.


Nilingon ko ang paligid at saka hinarang ang unang babaeng nakita ko. Inutusan ko siyang tapunan ng hawak niyang juice si Andy. Of course she's hesitant at first but I reasoned out that is it a part of what I cosplay. Pumayag naman siya matapos akong tignan from head to foot.


Sinabihan ko rin siya na huwag magsasabing may nag-utos sa kanya at kunwaring aksidente lang ang nangyari. Sumunod naman ang babae kaya naman maya maya lang, humiwalay si Andy kay Tamarra para magpuntang CR. 


Naka eye-to-eye ko pa si Caile, nagbigay ako sa kanya ng GO signal pero taka lang niya akong tinignan.


Slow.


Sumunod ako kay Andy at pumuwesto sa lugar na medyo malapit sa restroom. Sinadya ko siyang lapitan nang makita kong lumabas na siya.


"Hi?"


NIlingon niya lang ako at nginitian.


Sinabayan ko siyang maglakad. "Actually, I'm alone. 'Yung friends ko nakipag-jam sa mga hindi nila kilala kasi... you know, it's acquaintance party tonight... so, iyon."-shit, hindi ako nakapagready ng speech.


"Ahh. Then makapag-jam ka rin with the others, iyon naman talaga ang purpose ng event na ito."-nakangiti pa rin niyang sagot.


Hinarangan ko ang nilalakaran niya saka ngumiti sa kanya. "Eto na nga ang ginagawa ko. Can we be friends?"-tanong ko saka inilahad ang kamay sa kanya, asking for a shake hands. 


Atubili niyang kinuha iyon.


"Can you join me for tonight?"-tanong ko pa.


"Ah may kasama ak—"


"I bet mga kaibigan mo sila o matagal nang kakilala"


Nagtatakang tumango lang siya.


"I knew it! C'mon, lagi mo naman silang kasama, malalagpasan niyo naman ata ang isang gabi nang hindi nag-uusap di'ba? Saka ang event na 'to ay ginagawa para magkakilanlan ang lahat at hindi para makipagparty sa kaibigan lang."


"Ahm... You have a point, miss."-nahihiya niyang sagot.


Mas lalo akong napangiti.


Now I got Andy. Do your part now, Caile.


Hinila ko siya sa isang pwesto, kumuha rin kami ng drinks. Ice tea lang naman iyon na may kaunting halo ng alcohol.


Para hindi siya mainip. Nagpalitan nalang kami ng tanong and surprisingly, I enjoyed chatting with him.

________________

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon