Ch. 33: Fieldtrip

167 11 2
                                    


AIMEE'S POV


"G-Good morning!"-alangang bati sa'kin ni Ishii. Siya ang katabi ko sa upuan. 4am at nasa bus na kami. Exactly 4:30am ang aalis ng bus pa-Zambales.


Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa tabi ko. Dahil hindi ako sumagot sa kanya, hindi na rin siya nagsalita pa. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Wala naman akong masyadong makita doon, mga estudyante lang na naghahanap ng kanya kanya nilang designated buses.


Hinila ko ang kurtina para takpan ang bintana saka ako pumikit. Ilang oras pa ang byahe bago makarating ng Subic at ginamit ko ang oras para matulog.


Maya maya pa ay nagising ako dahil sa mahinang tapik sa braso ko. Pakiramdam ko rin ay may mabigat na bagay sa braso ko. Ang adviser namin ang una kong nakita pagmulat ko ng mata. Ginigising niya kami. Sinilip ko ang katabi ko, nasa balikat ko ang ulo ni Ishii and she's sleeping, kaya pala may mabigat. Umupo ako ng maayos dahilan para malaglag ang ulo niya sa balikat ko at magising siya. She wipes an imaginary saliva pa at nandito ako kahit wala naman talagang laway.


"Huh? Nandito na?"-tanong pa niya sa medyo malat na boses. Hinawi niya ang kurtina sa tabi ko dahilan para masilaw ako sa liwanag ng araw na biglang pumasok galing sa labas. Tinapik ko ang kamay niya as I hissed.


Isa isa kaming bumaba ng bus, nauuna si Ishii sa'kin at napakunot ang noo ko nang makita ko ang itsura niya. Hindi ko napansin kanina dahil madilim pa pero ngayon, lutang na lutang siya dahil sa suot niyang pink leather coat na PE shirt naman namin ang pangloob, green rubber shoes, bonnet na stripes black and yellow and syempre ang mga kung ano anong bracelets niya.


What the hell? Lumayo ako sa kanya. Sandali kong ginala ang paningin ko sa paligid nang makababa kami ng bus. Sandali lang din akong naakit sa dagat.


May sea lion and dolphin's show na ipinapanood sa'min. Nag-enjoy ako sa sea lions and I can't stop taking pictures of them. Sa dolphins naman, okay lang. Maya maya pa ay pinabalik na kami sa bus. Almost 12nn na at ayon sa tour guide na kasama namin simula sa carpark ng Thelistine, sa beach na kami maglalunch at ang doon na rin namin uubusin ang oras namin maghapon. Mga may water activities na pwede naming i-try pero dahil wala naman akong interes sa mga gano'n at lalo na sa sinasabi niya, hindi ko na siya pinakinggan pa. 


Maya maya lang kinuha na namin ang mga gamit na kakailanganin sa'min at sabay sabay na namang bumaba ng bus. Nagkaroon pa ng saglit na assembly pagkababa. We had our lunch, wala naman akong pinansin sa mga kaklase ko kahit na kasama ko sila sa cottage.


"Andy looks hot."

"Hotter than Rainbow."

"How dare them na maglakad ng sabay sa ilalim ng araw? They're makin' us insane!"


Napasulyap ako sa tinitignan ng mga kaklase ko. And I saw Rainbow Almeda walking with Andy. Oh yeah, they'll make girls go gaga, pero hindi ako. Kaya pinagpatuloy ko ang pagkain ng tahimik. Maya maya pa ay isa isa nang nagsialis ang iba para magpalit ng damit at lumangoy. Inabot ko naman ang dslr ko, wala pa ako sa mood magbabad sa tubig so for now I'll gonna take random pictures because aside from bitching around, photography is my hobby.

Ways For Her To Dislike HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon