Enemy

98 35 31
                                    

SHAKIRA's POV

Kriiiing!!!

"Ugh! Anobayan!" Napabangon ako ng wala sa oras.

Pinatay ko ang aking alarm clock at tiningnan ko kung anong oras na.

"anong or--WOW!" napanganga ako habang lumiit ang aking mata sa aking nakita.

"5:30 palang pala tss!" -hihiga pa sana ako ngunit may naalala ako kaya nagising ang buong diwa ko.

"Kailangan ko nga palang mag-aga!" dali dali akong bumaba ng hagdan para tingnan ang aking mama kung gising na.

"What?" gulat na gulat ako sa aking nakita. may pagkain na kaagad sa lamesa. Wow as in wow. Gusto ko kaseng mag luto.

Padabog akong lumapit sa aking mama. "Mama!! Bak--" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil inunahan ako ni mama.

"Ang aga mo ngayun ah?" sabi sakin ng nanay ko habang inaayos ang agahan namin.

"Galing mo po ma, Binara mo kaagad ako." umupo na 'ko sa lamesa at nagsimulang kumain.

"Ewan ko sayong bata ka. Bilisan mo d'yan ng makaligo kana para matuwa naman ako sayo!" Sabay umupo si mama pero nakasimangot ang kanyang mukha. Tsss kaaga-aga beastmode si mama.

"Opo!" sumubo ulit ako.

"Bakit ang aga mo?" Tanong n'ya habang umiinom ng kape.

"Trip ko lang po! Bakit may masama po ba?"

"Seryoso ako nag tatanong anak. Galangin mo naman ako anak minsan! Nanay mo 'ko ah!" Tinaasan na 'ko ng boses ni mama.

"So-rry po! Akyat na 'ko ma." Umakyat na 'ko ng hagdan at naligo na.

After 10 minutes natapos na 'ko. Tiningnan ko sa orasan kung anong oras na. It's already 6:35am

"Ang AGAAA PAAA!" Sigaw ko dahil tinatamad pa ako.

"TUMAHIMIIIK KA D'YAN SHARA HAAA!" Sigaw sakin ng aking ina. 'Di na lamang ako nag salita bagkus ay nag bihis na lamang ako.

*bihis*

*ayos ng buhok*

Pagkatapos ko mag-ayos ay agad akong bumaba ng hagdan at kinuha ko ang aking baon sa lamesa. Agad kong hinanap si mama para makapag paalam ako. Pumunta akong labas at doon ko s'ya nakita.

"Ma, Alis na po ako." Niyakap ko s'ya para kahit papano maalis ang galit n'ya sakin.

"Umingat ah!"

"Opo!"

Agad akong lumabas ng gate at sumakay na ng jeep. Kinuha ko ang aking phone para tingnan kung anong oras na.

"7:03 palang pala! Ghaaaad ang aga!" Nag pout ako dahil tamad na tamad ako pumasok ng maaga.

Nakarating na ako sa school at bumaba na ako ng jeep at tiningnan ko muna ang paligid. Puro puno pero hindi naman as in bundok, Yung tama lang tyaka mapresko.

Lumakad na ako papasok ng campus at nabigla ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan.

"SHAAAA!" Sigaw sakin ng isang babaeng nasa aking likod kaya humarap ako sa kanya.

Agad ko s'yang ningitian. "Oh Heyzel bakit?"

"Ang aga ah? Improvement ." nagpapalakpak s'ya side by side. Baliw talaga!

Tinalikuran ko na lamang s'ya at nag simula ng lumakad. "Trip ko lang. Bakit may masama?"

Sumunod naman s'ya sakin. "Kahit kailan talaga ang bastos mong kausap!" inirapan n'ya ako. ang taray ng kulot na 'to!

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon