Author's Note: May mga bahagi ang ilang chapter sa kwentong ito na nakapupunuan ng mga murahan. So.. Masasabi ko bang Matured Content ang kwentong ito? Hahaha :D
At ang chapter na ito ay short-update lamang kaya kung maaari ay sana maintindihan n'yo. Enjoy reading ❤--
"Ugh. Ayoko sabi! Umalis ka nga sa harap ko hindi kita mahal!"
"Bakit ba ayaw mo sakin? Ano bang ginawa ko sayu?"
"Ayoko ng love iiwan mo din naman ako. At kahit mahal kita kaya rin kitang saktan kaya please lumayo ko nalang at baka masaktan lang din kita!" Lumalakad na ng papalayo ang guy habang umiiyak
Napayuko na lamang ako habang umiiyak...
"ANAK GISING NA!" Nagulat ako dahil may sumigaw at halos mabingi ako dahil doon. Unti-unti kong minulat ang aking mata at nagulantang ako ng malaman ko na panaginip lang pala.
"Ay shocks panaginip lang pala!" Agad akong tumingin kay mama na ngayun ay galit na galit na nakatingin sa akin. At halos napayuko na na lamang ako sa sobrang kahihiyan dahil baka nag salita nanaman ako habang tulog.
"Ano na anak! 7:30 na di ka pa babangon d'yan o gusto mong tapunan kita ng mainit na tubig d'yan nang tumakbo ka sa banyo mo." Galit na sabi ni mama habang inalis sakin ang kumot na nakapatong sa aking katawan. At nilagay n'ya ito sa tabi kaya napabangon ako ng wala sa oras.
"Ito na nga ma!" Tumayo ako. "Babangon na po!" Agad kong niyakap si mama at bigla s'yang natulala dahil sa aking inasal.
"Alam mo po ma, Weird ng panaginip ko. May iniyakan daw akong isang lalaki. HAHAHAHA!" Paghalakhak kong ani. May iniyakan pala akong lalaki? Talaga? Yun nga lang, sa panaginip lang.
"Oh? Anong nakakatawa dun? Buti nga sa panaginip mo tao ka." sabi ni mama na halos natawa na rin at bigla s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Ay grabe!" Agad ko s'yang tinalikuran. "Animal pala ko sa personal." Kunwareng humihikbi ako.
"Ay nag drama. Joke lang nak! ito naman, Maligo kana nga. Bwisit na bata ito ay!" Galit na sabi ni mama kaya agad akong tumungo sa banyo at nagsalita.
"WHATEVER MA!" Pasigaw kong sabi habang nakapasok na ako ng banyo.
*After 10 minutes*
Pinupunasan ko ang aking buhok gamit ang aking tuwalya at napansin kong may tao sa harapan ko kaya nagulat ako.
"Ay palakang lumipad! ano ba yan ma, Bakit ka po nand'yan hindi naman ako mawawala sa banyo." Halos mapalundag na ako dahil sa sobrang gulat na akala ko multo ang aking nakita.
"Ay ewan ko sa'yong bata ka! Bilisan mona at male-late kana." Naiinis n'yang ani at agad s'yang bumaba ng hagdan.
Agad akong bumihis at lumabas ng aking kwarto. Tumingin ako sa orasan namin na nakalagay sa pader at nagulat ako ng nakita ko ang oras ngayon.
"Shocks! 7:55 na!" Medyo napanganga ako at napatingin kay mama na ngayun ay napahilamos na lamang ng mukha.
"Ma, kain na muna po ako." Dali-dali akong pumunta sa lamesa para kumain.
Unti lang nakain ko, male-late na kase ako kaya binilisan kong kumain. Ngayun ay nagmamadali akong lumakad papalabas ng bahay.
"Mag ingat ka anak!" Sabi sakin ni mama.
Humarap ako sa kan'ya. "Opo" . Ningitian ko s'ya at tuluyan na 'kong umalis.
Dali-dali akong tumakbo at agad sumakay ng jeep.
"Ay nako! Bwisit na panaginip ko yan, pasira kainis!" Naiinis kong sabi at tumingin na lamang ako sa sa bintana ng jeep.
*At school*
7:59 am
Last minute.
"Takbo pa Shara! Takbo pa." tumatakbo ako at inakyat ang bawat floor.
"Anong na ngang room ko? Haist! Bakit ko ba kase nakalimutan?!" Galit kong ani habang inaalala kung saan ba ang aking room.
Nang naalala ko na ay agad akong tumakbo papunta roon. "Room 305 nga pala." Binilisan ko pa ang aking pagtakbo papunta sa aking room.
Finally, umakyat na ako ng hagdan at laking pasasalamat ko ng nakarating na ako sa aking room. Napahawak na lamang ako sa pader dahil sa sobrang pagod habang hinahabol ko ang aking paghinga.
"Sa..la..mat!" Sabi ko habang hinihingal at napahawak ako sa aking dibdib.
*RIIING*
Nagulat ako sa aking narinig. "Sh*t! Malas." I cussed.
Nakita kong naglabasan na ang mga estudyante at ang teacher namin kaya agad akong tumalikod.
"Patay..." Sabi ko ng mahina. "Pa-late pa Sha! Tsss." Napapikit na lamang ako dahil sa sobrang pagka-inis sa aking sarili. At lumakad na ako papasok sa aming room na kung saan ay wala nang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Teen FictionWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties