Jealous

78 22 33
                                    

SHAKIRA's POV

Sobra akong nagpapa-salamat at naka-survive ako sa long quiz namin. At ngayun nautusan ako ng aking teacher na bumili ng mineral water sa canteen. Haist!

"Pabili nga po ng mineral water." Sabi ko sa tindera

"Ilan?" Tanong nya.

"Isa lang po. Ito po ang bayad." Inabod ko yung bayad sa tindera.

"Ito oh!" Inabot n'ya sakin yung mineral.

"Salamat po." Tumalikod na 'ko at nag simulang lumakad.

Napatigil ako sa paglalakad ng narinig ko na may sumitsit sa akin at humarap ako sa kanya.

"Bakit?" Pagtataka kong tanong at naalala ko, s'ya 'yung lalaki kahapon sa library kaya agad napa-kunot ang aking noo.

"Binasa mo na ba." Tanong nya at nabigla ako.

"Hin-di. At wala akong balak." Sabi ko at lumakad ulit.

"Hintay!" Sabi nung lalaki kaya napaharap ako sa kanya.

Binigyan ko sya ng isang tingin. Ano-pang-kaylangan-mo-look.

Kumunot ang kanyang noo nya. Siguro nag-tataka na rin s'ya.

"Ano pang kailangan mo?" Sabi ko sa kanya in a serious tone.

"Alam mo ba.."

"Hindi pa." Pagbabara ko sa kanya. Napansin kong kumunot ulit ang noo nya.

"Patapusin mo muna ako." Naiinis nyang sabi.

"Go on." Pag-susungit kong sabi.

"We're siblings" seryoso nyang sabi at ako halos lumuwa na ang aking sa sobrang gulat sabay tiningnan ko s'ya simula ulo hanggang paa.

"Are you cr-azy?" Gulat na gulat kong sabi sa kanya.

"Hahahahaha! I'm just kidding!" Pagtatawa nyang sabi. Mapapatay ko 'to. Pigilan nyo ko.

Halos kinabahan ako sa sinabi nya. Napa buntong hininga ako at binigyan s'ya ng isang mapait na tingin. "Mag hanap ka nang pagti-tripan mo! Pati ako dinamay mo!" Inirapan ko sya at lumakad ulit.

"DI MO BA TALAGA AKO NAAALALA?" sigaw n'yang tanong. Napakunot ang aking noo at nag-taka. E hindi ko nga sya namumukhaan. Siraulo naman ang taong ito.

Hindi ko s'ya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"AKO SI TINO!" Dagdag nya. Napatigil ako sa pag-lalakad. Si tino? Agad-agad akong humarap sa kanya.

"Ti-no?" Takang-taka kong sabi sa kanya. Habang nakakunot ang aking noo.

Lumapit s'ya sa akin. "Oo. Si Tinola, Tinomok, Tinoli, Maino, Tinohog at si Martino at Martin." Sabi nya habang natatawa. Halos maluwa na ang aking mata sa sobrang gulat. Sya na si tino?

Tiningnan ko sya ulit simula ulo hanggang paa, no way!

"Sigurado ka? E hindi mo naman kamukha." Sabi ko na halos di maka-paniwala at halos tinaasan ko sya ng kilay.

"People change. Bakit mas pumogi ba ko." Kinindatan nya ko. Napaiwas ako ng tingin. Omyghaaad!

"Urgh! Tino? Martino. Bakit di kita namukaan kahapon?" Tanong ko sa kanya habang nagtataka.

"Malay ko!" Nag crossed-arm sya.

"Nagparetoke ka no?" Sabi ko sa kanya at s'ya tawang-tawa sa sinabi ko. Baliw ba 'to. Ay oo nga pala. Matagal na.

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon