He's Concerned

28 4 14
                                    

SHAKIRA's POV

Kakatapos ko lang manuod ng soccer dito sa field at napansin kong maghahapon na kaya balak ko nang umuwe. Magsisimula na sana akong lumakad ngunit may biglang nag-salita sa isa kong mga kaklase.

"Hey guys! Pinapatawag tayo ni ma'am kase pag-uusapan daw 'yung about sa camp tomorrow tyaka paki-text naman 'yung iba nating classmate na wala dito." Napahilamos ako sa aking mukha dahil muntik ko nang makaligtaan ang tungkol sa camp na 'yan.

Nagsimula na kaming lumakad papunta sa aming room. Nilibot ko muna ang aking paningin para hanapin si Heyzel ngunit wala ito kaya agad ko s'yang tinext.

To: Kulot <3

Hoy babae! Punta ka sa room. Paguusapan daw yung about sa camp para bukas.

Sent.

Agad ko namang tinago ang aking cellphone at tumingin ulit sa aking dinadaanan. Nang nakarating na kami sa aming room ay agad naman kaming nag kan'ya-kan'yang umupo

"Okey class, Alam n'yo naman na bukas na ang camp n'yo. Be ready. At s'yempre may kapartner kayo para sa mga gaganaping mga games at syempre gagabay sainyo doon! Alam n'yo namang malawak ang school na 'yun at gubat 'yun."

Nag nod naman kami sa sinabi ni ma'am at sinimulan na n'yang basahin ang nakasulat sa papel na hawak n'ya. Hindi ko nalang inintindi ang mga sinabi n'ya at nung narinig ko na ang aking apelyido ay agad naman akong napatingin kay ma'am.

"Ms. Jiwon, ang kapartner mo ay si Mr. Samonte." Agad naman akong nagulat sa sinabi ni ma'am at bigla akong napatayo at nagsalita.

"MA'AM! BAKIT S'YA?" Gulat na gulat kong tanong habang nakakunot ang aking noo.

"Bakit? May problema ba doon Ms. Jiwon?" Agad naman akong napatigil at tumingin sa aking paligid na ngayun ay nakatingin na pala sa akin ang lahat ng kaklase ko. Nilibot ko ang aking paningin upang makita si Kian. At nung nakita ko ito ay nakaramdam ako ng sobrang lamig dahil sa malamig na tingin nito sa akin na sinasabi nito na so-affected-ka-look! Kaya agad naman akong napaiwas ng tingin dito. Tumingin ako kay Ma'am sabay yumuko.

"Wa—la po!" Umupo kaagad ako at napa-bulong. "Nakakahiya!" Agad naman akong napahilamos.

Marami pang mga sinabi si Ma'am na announcement ngunit hindi ako nakinig dahil iniisip ko parin kung bakit iba nanaman ang inasal ni Kian ngayun. Nakakaloka talaga!

Napansin kong nagsitayuan na ang aking mga kaklase at nagsimula na silang lumabas ng room at sumunod naman ako sa kanilang gawi. Agad kong napansin na tumabi sa akin si Kulot.

"War or Love? Hahaha!" Sabi nito at biglang humalakhak. Agad ko s'yang tinaasan ng kilay dahil wala akong naintindihan sa kan'yang sinabi.

"Anong pinagsasabi mo d'yan?" Sabay irap ko dito.

"Asuus! Pa low-gets si ate." Pagtataray nitong ani pero hindi ko nalang ito pinansin bagkus ay lumabas na lamang ako ng classroom.

"Shakira!" Tawag sa akin ng isang lalaki kaya agad naman akong napaharap dito. Biglang napakunot ang aking noo.

"Bakit?" Tugon ko kay Kian. Agad naman itong lumapit sa akin.

"Are you happy?" Ngiting-ngiti nitong ani na halos naguluhan ako lalo.

"Para saan?" Tanong ko rito habang nakakunot ang aking noo.

"Dahil kapartner mo ako?" Mas lalo itong ngumiti na halatang sobrang saya nito. At halos ikinagulat ko ang kan'yang binitawang ani.

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon