SHAKIRA's POV
Nakaramdam ako ng sakit sa ulo kaya nagising ako. "Ugh... A-nong na—"
"SHA! Okey ka lang ba?" Pagbabara sa akin ni Kulot. Pansin kong may halong pag-aalala sa kan'yang tono kaya ningitian ko lamang ito.
"Uhm.. Yeah, pero.. Ano bang nangyare?" Kinapitan ko ang aking ulo dahil nararamdaman ko nanaman ang sakit ng ulo ko. Crap this feeling!
"Nahulog ka doon sa patibong ng mga mangangaso. Kaya ikaw ang nadispats'ya. Umingat ka kase sa susunod, hindi mo ba napansin na may nakalagay sa gilid na 'be aware'" napatingin ako sa kan'ya at binigyan ko s'ya ng isang tingin na huh-di-ko-gets-look! Sabay napapikit na lamang ako dahil dama ko parin ang sakit ng ulo ko.
"Haist! Tanga tanga ka rin minsan eh!" Pagtataray nitong ani at narinig king ginalaw n'ya ang upuan sabay tumayo ito.
Bigla kong minulat ang mata ko at nakita kong naka-lahad sa aking harap ang kanang kamay n'ya na may nakalagay na gamot.
"Inumin mo." Tipid na ani Kulot. Tumingin ako sa kan'yang mukha at binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti sabay kinuha ko ang gamot at ininom ito. Sabi na eh, kahit galit ito sa akin, hindi pa rin mawawala ang pag-aalala sa akin ng babaeng 'to. Haist! Kaya mahal ko 'to eh.
"Ano, okey kana?" Nakita ko sa pagmumukha ng babaeng ito na nag-aalala ito sa akin kahit na may halong inis sa boses n'ya. Tumango ako sa kan'ya at nag-salita.
"Medyo okey na ko." At ningitian ko ulit ito.
Napatigil ako sandali dahil nakarinig ako ng yabag papunta sa malapit sa kinaroroonan ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang ko si Kian na tumatakbo patungo sa akin. Natulala ako sa kan'ya at napansin kong nag blurred ang buong paligid at sa s'ya lang yung malinaw na nakikita ng mata ko. Halos pa slow-motion itong tumatakbo papunta sa akin na halos ikina-nganga ko. Bakit ang gwapo n'ya sa lagay na 'yan. What the hell!
Bigla akong natauan ng napansin kong nasa harap ko na ito. Bigla akong umiling at tinikom ko ang aking bibig sabay iwas ng tingin. Ugh! F*ck this feeling!
"D*mn! ARE YOU ALRIGHT?" May halong galit sa kan'yang tono na ikinagulat ko. Bigla akong napatingin sa kan'ya at pansin kong pawisan ito na akala mo'y kakatapos lang sa trabaho. Agad ko s'yang tinaasan ng kilay dahil nagiging weirdo nanaman ang lalaking ito. Akala naman n'ya mamamatay ako.
"I'm fine. Wag ka ngang OA! Tch. Buhay pa naman ako ah." Despensa ko sa kan'ya at napa-irap na lamang ako.
"SIGURADO KA BANG OKEY KA LANG, EH TINGNAN MO 'YANG MGA BRASO AT TUHOD MO PURO SUGAT AT PASA! ANONG OKEY DOON AH?" Nakikita ko sa kan'yang mata ang galit at pag-aalala habang sinisigawan n'ya ako. Hindi ko alam kong mapapanganga ako dahil sa gan'yan s'ya mag reak o susuntukin ko nalang s'ya dahil napaka OA n'ya pero hindi ko naman ito magagawa dahil masakit ang katawan ko.
"Kakasabi ko lang diba, I'm fine. I'm really really fine. Pasa at sugat lang ito. Hihilom din naman ito eh. Tyaka...medyo masakit lang naman kaya wag kang OA. Kung umasta ka d'yan parang tatay kita. Tss!" Mahinahon kong sabi. Hindi ko s'ya masigawan dahil mas sumakit ang ulo ko, kulang nalang sasabog nasa sobrang sakit.
Napayuko ito. "Oh..I'm just.." Inangat n'ya ang kan'yang mukha at tumingin sa akin ng seryoso. "Worrying about you." Pansin ko sa kan'yang mukha na sincere ito kaya agad akong napaiwas ng tingin dahil naalala ko ulit yung sinabi n'ya sa akin kahapon at 'yung kanina. Haist!
'What the hell. The f*ck!" Sabi ko sa aking isip habang inis na inis at napapikit ako.
Nakarinig ako ng paggalaw ng upuan kaya napatingin ako sa upuan na 'yun. Napansin kong sinuklay ni Kian ang dalawa n'yang kamay sa kan'yang buhok sabay tumayo ito at lumakad na papaalis habang nagmurura ito kaso mahina lang pero rinig na na rinig ko. "The f*ck! D*mn yourself Kian. F*ck!"
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Teen FictionWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties