SHAKIRA's POV
Nanigas ako sa aking kinakatayuan at halos nag-eco sa aking utak ang kanyang mga sinabi. Napapikit na lamang ako at tinuloy ko nalang ang aking paglalakad bagkus ay hindi na ako humaharap sa kan'ya at dahil sa sobra kong pag-iisip sa kan'yang mga sinabi, hindi ko namamalayan na nakalabas na pala ako ng aming campus.
'Naguguluhan ako? Padangat taka? Padangat taka? Padangat taka? Haist!' Umiiling-iling ako habang iniisip ko 'yan ng biglang may humila sa aking braso.
"HOY ANO BA? NAKIKITA MO BA YANG DINADAANAN MO? MUNTIK KANA DOON AH!" sigaw sakin ng isang lalaki habang galit na galit at bigla akong natauhan.
Napansin kong may dumaan pa lang motor at muntik na akong mahagip. Mabuti nalang napansin ako nito. Hindi ko masyadong nakikita ang lalaki at madilim na. Gumagabi na rin. Pundi kase ang ilaw ng poste namin dito sa harap ng school.
Bigla n'ya akong hinila papunta doon sa kabilang poste at ikinagulat ko ito.
"Oy! Ba-kit ba? Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko sa kanya ngunit hindi nya ako ininda. Haist!
Agad nya akong binitawan ng nakarating kami sa kabilang poste na kung saan maliwanang. Halos nanlaki ang mata ko nang s'ya ang nakita ko.
"Kian. Ba--" hindi n'ya ako pinatapos sa pagsasalita dahil inunahan na n'ya ako.
"Umingat ka sa susunod. Ano bang iniisip mo at masyado kang lutang? Baliw kaba?" Galit nitong sabi sa akin habang nakatingin lang ako sa kanya.
Napakunot ang aking noo ng napansin kong putok ang bibig nito. 'Anong nangyare sa bibig n'ya? Basagulero ata 'to e?' Sabi ko sa aking isip. Napansin kong nakatitig din sya sakin at siguro napansin n'yang tinitingnan ko ang kanyang putok na bibig kaya umiwas agad ito ng tingin.
"Pa-uwe kana ba?" Tanong nito habang hinawakan nya ang kanyang putok na bibig. Mas lalong napakunot ang aking noo.
"Anong nangyare d'yan?" Sabi ko sa kanya habang tinuro ko ang kanyang putok na bibig. Hindi nya ako pinansin bagkus ay pumara s'ya ng tricycle.
'Ang abnormal naman nito. Kung sabagay! Kahit naman malaman ko, wala rin naman akong pakealam.' Sabi ko sa aking isip habang tumatango-tango.
Napansin kong nasa tapat na namin ang tricycle at hahakbang na sana ako papaalis ng bigla s'yang nag salita.
"Sakay!" Sabi nito ng mariin. Tiningnan ko sya at agad kumunot ang aking noo.
"Huh?" Binigyan ko s'ya ng isang tingin na joke-ba-yan-look.
Napahilamos sya at agad akong hinila papasok ng tricycle. Pansin ko sa kanyang mukha ang pagkainis. Ang weird!
"Wait! Akala ko ikaw ang sasakay?" Nakakunot ang aking noo habang sinasabi ko yan sa kanya. Gulong-gulo parin ako e.
"Ang dami mong dada!" Galit nitong sabi sa akin at binigyan ako ng isang masamang tingin. Natahimik nalang ako.
Hanggang ngayun, natatakot parin ako sa kanya simula nong hinabol ako ng aso n'ya. Doon ko kase na-realize na nakakatakot pala s'yang gambalain. Baka kase mas malala pa ang gawin nito sakin sa susunod.
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Fiksi RemajaWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties