Martino

59 20 9
                                    

SHAKIRA's POV

"Oy, tanong ko lang. Saan na kayo lumipat?" Tanong ko kay Tino sabay kinagadan ko ang burger na binili ko.

Kumunot ang noo nya. "Bakit mo tinatanong?" Pagtataka n'yang ani at bigla akong napatigil sa pagngunguya at tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Bakit? Masama ba?" Nakatingin lang ako sa kanya at agad naman s'yang umiwas ng tingin.

"A-no..hindi naman.."

"Edi saan na kayo lumipat?" Pagbabara kong tanong sa kan'ya habang nakatitig lang s'ya sakin.

Napakunot ang aking noo. "What?" Sabi ko sa kan'ya pero nakatitig parin s'ya sakin.

"Sa likod ng bahay nyo." Diretsyo n'yang sabi sabay kinagatan n'ya ang kan'yang burger.

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka?" Gulat kong tanong at agad naman s'yang tumingin ng seryoso sa akin.

"Sa tingin mo ba nag-loloko ako?" Seryoso nitong ani at napalunok na lamang ako.

"Ano..malay mo nag jo-joke ko lang. Ma-lay ko ba." Sabi ko sa kanya habang nauutal at kaagad kong ininum ang aking juice. Bigla akong nauhaw eh.

"Hahahahahaha." Nabigla ako ng humalakhak s'ya sa tawa kaya agad akong tumingin sa kanya.

"Problema mo?" Tanong ko habang nakataas ang aking kilay at napansin kong mas natawa s'ya lalo.

Agad ko s'yang hinampas sa kan'yang braso. "Tumigil ka nga! Nasa canteen tayo." Tinuro ko yung nga estudyanteng nasa paligid namin. "Nakatingin na sila satin, Takte ka! Umayos ka nga." Bulong ko sa kanya. Napatigil naman s'ya sa paghahalakhak at tumingin s'ya sa mga nakatingin samin. Ang engot naman nito! Talagang ningitian n'ya pa sila. Napasapo na lamang ako.

"Umayos ka nga." Naiirita kong sabi. Mabuti naman at tumigil talaga s'ya

"Nice scene. Pinapanuod n'ya tayo." Sabi n'ya pero nakatingin sya sa bandang kanan. Titingin sana ako kung saan s'ya nakatingin ngunit bigla s'yang nag salita.

"Don't you dare--"

"Huh?" Pagbabara ko at agad akong tumingin sa ilalim ng table namin kase nakakapataka lang kung bakit n'ya tinapon ang fries sa ilalim ng table. Sira talaga ulo nito!

"Sayang yung fries! Dapat binigay mo nalang sakin." Agad akong nag pout sa harap n'ya.

"Walang sayang." Ningitian n'ya ko at napasapo na lamang ako.

"Haist! Ewan ko sayo! Anong walang sayang? Sayang na sayang kaya yung pagkain. Blessing yun e!" Inirapan ko ito at hindi n'ya pinansin ang mga sinabi ko.

"Oy Shaki, may tatanong ako?" Seryoso n'yang ani. Grabe! Changed topic agad?

"Oh ano yun?" Sabi ko habang dumudukot ako sa kan'yang pagkain. Naiinis kase ako sa kan'ya, sayang 'yung fries. Baka ito itapon n'ya din kaya uubusin ko nalang.

"Ano ba yan." Tinapik nya kamay ko. "Pagkain ko yan e." Agad s'yang nag-pout pero iniripan ko na lamang s'ya.

"Di sayo na! Itatapon mo din naman yan. Ano ba yung itatanong mo?" Naiirita kong sabi sa kan'ya.

"Ka ano-ano mo yung lalaking nanghila sayo kanina?" Seryoso nitong ani. Bigla akong nainis sa tanong n'ya. Naalala ko nanaman!

"Kaaway ko." Diretsyo kong sabi sabay binuksan ko ang pagkain kong junk food na clover at agad kong kinain ito.

"Ahh. Pero..bakit ako tinulak nun kanina. Nakaka-gago yun ha." Naiinis n'yang sabi. Ininom ko muna ang aking juice at saka ako nag salita.

"Ewan ko. Abnormal yun e."

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon