SHAKIRA's POV
Nakatunganga ako ngayun sa aking klase. Puro kaekekan lang ang ang naaalala ko. Putcha kaseng Kian na 'yan. Sarap sapatusin.
Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang tumuon sa aking klase dahil sa putcha na Kian na 'yan. Nakaka tanga!
Nabalik lang ako sa sistema ng sumigaw si ma'am. "May long quiz kayo bukas, umayos kayo! Class dismiss"
Napahilamos ako. "Nako naman! Badtrip na nga, mas nakaka badtrip lalo." Sabi ko ng mahina.
Agad akong tumingin kay Heyzel at sinitsitan ito. "Psssst!"
"Ano?" Naiinis n'yang anihabang nakakunot ang kan'yang noo.
Ningitian ko na lamang s'ya ng sobrang lawak. "Tutor please!" Halos nag pa cute ako sa kan'ya ngunit hindi ito tumalab.
"Tutor na ano? Wala wala. Kawasa't hindi ka nakinig!" Naiinis nyang sabi habang inaayos nya ang kan'yang gamit.
Napadabog ako sa harap n'ya. "Kulot please! Long quiz yun! Ayaw kong bumagsak." Halos maiyak iyak na 'ko sa harap nya at nandiri s'ya sa inasal ko.
"Yaaaaah! Kadiri. Alis dyan!" Pantataboy n'ya sakin.
Tumingin ako sa baba at umakmang umiiyak. "Pl-ease... Kala ko ba ba-bawi ka? Ba--kit.. Pinandidiri-an mo na 'ko"
"Haist! Fine.. O-o na! Umayos ka nga. Umiiyak ka ba?" Tanong n'ya na naging dahilan upang mas mapangiti ako.
Tumingin ako sa kanya at binigyan s'ya ng isang malaking ngiti. "Hehe. Effective ba? Best actress na ba ko?" Nakangiti pa rin ako sa kanya at s'ya halatang asar na asar na.
"Ay bwisiiit! Haist" napabuntong hininga na lamang s'ya at natawa na lamang ako.
Nabigla kami ni kulot nang may biglang nag-salita. "Hindi bagay sayo. Mukha kang tanga!" Halos tawang tawang n'yang ani.
Napatingin ako sa pintuan at ang lintek na Kian lang naman pala ang nag sabi nun.
Tinaasan ko s'ya ng kilay at tinawanan. "Hahaha! E ikaw? Mukha ka namang bobo na pakalat kalat dito sa classroom." Lumapit ako sa kanya at ningisian s'ya. "Alam mo hindi ka lang bobo e! Kundi epal pa. E-P-A-L" Binigyan ko s'ya ng isang mapait na ngiti.
"Oh! Talaga? Mag papa-party na ba 'ko? Gusto mo invite pa kita?" Pag mamayabang n'ang sabi.
Nagtitimpi na 'ko sa sobrang inis. Gusto ko s'yang suntukin ngunit nasa school kami.
"Linteeek na school yan. Lagi nalang dito nagaganap." Sabi ng utak ko.
Tiningnan ko s'ya ng masama. "Whatever!" I flipped my hair at tumalikod.
"Alam mo 'di ko talaga maintindihan kung bakit ang sungit sungit mo? Araw-araw kabang dinadatnan?"
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Teen FictionWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties