Still Confused

13 2 4
                                    

SHAKIRA's POV

Andito ako ngayun sa bangin na kung saan nagtambay si Kian noon. Ang ganda kase ng place na ito. Ang gandang mag-emote. Napansin kong mag ga-gabi na kaya napag-desisyonan kong umalis na dito dahil gustong-gusto ko na talagang umuwe.

Nagsimula na akong lumakad papaalis at napansin kong parang may sumusunod sa akin kaya agad akong lumingon sa aking likod. "May tao ba d'yan?" Sabi ko pero wala naman nagsasalita kaya humarap ulit ako sa aking dinadaanan at nagsimula ulit lumakad.

Napapansin ko talagang may sumusunod sakin kaya binilisan ko ang paglakad at sa kasamaang palad halos atakihin ako sa puso ng may biglang kumapit sa balikat ko.

"AHHHHH!" sigaw ko. Napansin kong may tumawa kaya agad akong napatigil sa pag-titili at humarap sa kan'ya. "Anong...WALANGHIYA KA! PAPATAYIN MO BA AKO!" galit kong sabi dito habang hinahampas hampas ko ito at napatigil ako ng bigla n'yang hinawakan ang dalawa kong kamay at tiningnan n'ya ako ng seryoso.

"Bakit ka dito nagtambay dito? Delikado dito pag gabi!" Ani Kian. Agad kong hinila ang dalawa kong kamay na hawak n'ya at umiwas ako ng tingin.

"Ano naman sa'yo kung gabihin ako dito?" Tugon ko at humarap ako sa kan'ya. Wala akong narinig na kahit anong tugon nito kaya tinalikuran ko na s'ya at nagsimulang maglakad papaalis.

Napansin kong sinusundan ako nito pero hindi ko nalang s'ya pinansin bagkus ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nagulat ako nang nakita ko s'ya na katabi ko na pala. "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kan'ya habang nakakunot ang aking noo.

"Hindi ah!" Tugon nito.

"Eh bakit ka nagsabay sa akin?" Tanong ko at napansin kong umiwas s'ya ng tingin.

"Ano...gu-sto ko lang mapanatag ang loob ko." Sabi nito na naging dahilan upang magtaka ako.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Na makalabas ka dito ng safe." Dagdag n'ya na halos ikinagulat ko. Mas nagtaka ako sa kinikilos n'ya.

"Bakit?"

"Wala.."

"Bakit nga?"

"Wala nga. Ang kulit!" Naiinis n'yang sabi at tumigil na ako sa pagsasalita at napa-isip ako.

'Close ba kami? Bakit ko ba ito kinaka-usap?' Nakakunot ang noo ko habang sinasabi 'yan sa aking isip.

Napatigil ako sandali at tinanong ko ulit s'ya. "Paano mo pala nalaman na nandito ako?" Seryoso kong tanong. At napansin kong tumingin ito sakin ngunit umiwas rin ng tingin.

"Napadaan lang." Tipid na tugon nito.

"Ah." Tumingin ulit ako sa aking dinadaanan at napansin kong malapit na kami sa campus.

"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong nito na ikinagulat ko. Tiningnan ko s'ya habang nakakunot ang aking noo.

"Huh? Hindi, bakit?" Tanong ko habang nagtataka.

"Ah...Wala." Ani Kian. Mas lalo akong nagtaka sa inasal n'ya at bigla n'yang ginulo ang buhok ko at ningitian ako.

"Makakauwe kana. Sumakay kana ng tricycle ah!" Sabi nito at tuluyan nang umalis at napangabga na lamang ako.

"What the hell." Sabi ko ng mahina at napahilamos na lamang ako ng mukha.

Nagulat ako ng may nagsalita sa aking likod.

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon