SHAKIRA's POV
Nagising ako dahil naramdaman ko ang sakit nang ulo ko. "Urgh!" Kinapitan ko ang aking ulo sabay bumangon ako.
"Bakit ang sakit sakit ng ulo ko..haist!" Ulit-ulit kong binabatukan ang aking ulo upang mawala ang sakit ng ulo ko. Pero mas sumakit eh.
Tumayo ako sa aking kama at lumapit sa salamin. Nang nakita ko ang aking sarili sa harap ng salamin, sobra akong nagulat dahil nakita ko ang malaki kong eyebugs at maga kong mata. Agad akong napahilamos sa mukha dahil naalala ko na kung anong kagagahan ang ginawa ko kagabi.
"Shakira! Ano ba naman 'yang ginawa mo...haist!" Napahilamos ulit ako at padabog akong pumasok ng banyo.
Nang natapos na akong maligo at kumain ay agad akong pumunta ng school dahil may event pa ngayun na magaganap.
Pagkababa ko ng tricycle ay agad akong kumaripas ng lakad dahil nakita ko nanaman ang lalaking 'yun na sya ang dahilan kung bakit ako umiyak kagabi ng hindi ko alam.
"SHAKIRA!" Tawag nito ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay tumakbo na ako papasok ng campus.
"SHAKIRA!" Tawag ulit nito pero nabigla ako ng bigla n'yang hinawakan ang aking braso. Tiningnan ko ang aking braso na ngayun ay kapit n'ya sabay tumingin ako sa kanyang mukha.
"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko sabay tinalikuran ko s'ya at nagsimula na akong lumakad.
Naririnig ko ang kanyang mga yapak na alam kong sinusundan ako nito at nabigla ako ng hinawakan n'ya ulit ang aking braso. Humarap ako sa kan'ya at tiningnan s'ya ng masama.
"Ano b--" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil inunahan n'ya ako.
"Anong nangyare sa'yo?" Nagulat ako sa kan'yang tanong pero hindi ko ito ininda bagkus ay kinalas ko ang aking braso na ngayun ay kapit n'ya.
"Ewan ko sayo!" Inirapan ko ito. "Kung makapag-tanong ka d'yan..parang may pake ka sa akin. Don't me! Tss." Tinaasan ko s'ya ng kilay at naglakad ulit.
Habang naglalakad ako ay bigla s'yang sumulpot sa aking harap kaya napatigil ako sa paglalakad. Tiningnan n'ya ako ng masama. At ako rin, tiningnan s'ya ng masama.
"Ano? Pagti-tripan mo nanaman ako?" Inirapan ko ito. "Tss! F*ck you!" Nag-simula ulit akong mag-lakad at dumaan sa gilid n'ya at binanggaan ito.
Naiirita lang kase ako sa kanya tyaka hindi ko maintindihan ang mga kinikilos n'ya. At mas lalong hindi ko s'ya kilala. Habang naglalakad ako ay bigla akong napatigil dahil sumigaw ito.
"OO NA! MAY PAKE AKO SA'YO! OH ANO MASAYA KANA?" sigaw nito na halos ikinagalit ko ng husto. Humarap ako sa kan'ya at lumakad patungo dito.
"Nagpapatawa kaba?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Hindi kase ako natawa eh!" Sabay irap ko rito.
"Sa tingin mo ba nagpapatawa ako?" Agad ko s'yang tiningnan at nakita kong seryoso ang aura nito. Napakunot na lamang ang aking noo at hindi ko na lamang pinansin ang kan'yang sinabi.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" Direts'yo kong tanong sa kanya at napansin kong seryoso lang itong nakatingin sa akin at nagsimula itong humakbang papalapit sa akin. Agad naman naman akong napa-atras.
"Ikaw." Tugon nito na halos ikinabigla ko.
"A--nong..ako?" Gulat na gulat kong tanong sa kan'ya na halos hindi ako makapaniwala.
Napaatras ulit ako dahil humakbang pa ito papalapit sa akin. Naramdaman kong pader na ang humarang sa aking likod kaya lumingon ako sa likod ko at napahawak na lamang ako dito. At agad naman akong humarap at laging gulat ko ay nakakulong na ako sa kan'ya na yung dalawa n'yang kamay ay nakapatong sa pader at sobrang lapit ng mukha n'ya sa aking mukha na halos hindi na ako humihinga. At amoy ko na ang kan'yang hininga na sobrang bango.
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Подростковая литератураWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties