SHAKIRA's POV
"Haist!" I sighed. Nakatingin lang ako sa bintana ngayun habang pinapanuod ang ulan.
"Anak."
Tumingin ako kay mama. "Bakit ma?" Tanong ko.
"Aalis ako. Pupunta lang akong palengke." Sabi nya sakin.
"Eh ma, maulan. Baka mabasa po kayo." Pag-aalala kong sabi sa kanya.
"Sasakay naman akong tricycle e." Tugon ni mama. Pumayag na lamang ako. Alangan namang hindi. Edi wala kaming kakainin mamaya.
"Ingat ma!" Nag wave ako kay mama at sinarhan ko ang pintuan. Haist!
Wala kaming pasok ngayun, Suspended. Malakas kase ang ulan simula kagabi tapos kanina lang nila inannounce na walang pasok kung kelan paalis na ko ng bahay papuntang school. Ka-bwiset na masyado.
Tinext ko si kulot dahil naiinip na ako kakahintay sa kan'ya. Sabi n'ya kase pupunta sya dito sa bahay ngunit hangang ngayun wala parin s'ya.
To: Heyzel
Hoooy! Asan kana ba? Kanina pa kita hinihintay.
Sent.
Nilapag ko muna ang cellphone ko sa lamesa dahilm maghuhugas muna ako ng plato.
Makalipas ang limang pinuto ay may biglang kumatok sa pintuan.
*TOK! TOK! TOK!*
"WAIT LANG!" sigaw ko. Tinatapos ko pa kaseng punasan yung mga plato. Hayaan mo yang kumakatok na yan.
*TOK! TOK! TOK!*
"Sha, basang-basa na 'ko. Buksan mona yung pinto." Pagmamakaawang sabi ni kulot.
"ITO NA!" Hinugasan ko muna ang aking kamay sabay pinunasan ito. Lumakad na ko papuntang pintuan at binuksan ito.
"Pasok." Walang ganang sabi ko sa kanya. Agad-agad naman syang pumasok.
"BAKIT ANG TAGAL-TAGAL MONG BUKSAN ANG PINTUAN. BASANG BASA NA 'KO OH!" galit nyang sabi habang nag dadabong. Aba, kung makapag reklamo 'to.
Tinaasan ko sya ng kilay at nag crossed-arm ako. "Bakit? Bahay mo ba'to?" Halos matawa na 'ko sa reaksyon nya, pinigilan ko lang.
"Ano...hin-di." Napayuko sya sabay inangat nya ulit ang ulo nya. "Eh bakit ba kase ang tagal-tagal mong buksan yung pintuan." Pag-susungit nyang sabi habang nakakunot ang noo nito. Natawa na lamang ako.
"Pakealam mo! Tara na nga sa kwarto, Kawawa ka naman." Lumakad na 'ko papunta sa kwarto at sumunod naman sya.
Kumuha ako ng damit at short sa aking cabinet at inabot ito sa kanya.
"Oh. Magpalit ka, baka magka sakit kapa nyan." Pag-aalala kong sabi sa kanya at kaagad n'ya itong kinuha sabay tumakbo s'ya papuntang cr. Aba, di man lang nag pasalamat. Tsk!
"DALIAN MO! MAY IKE-KWENTO KAPA SAKIN!" sigaw ko sa kanya at lumabas na ako ng kwarto.
HEYZEL POV
"Bakit pa ba ako punta dito. Haist." I sighed. Padabog kong binuksan ang pintuan ng cr at lumakad na 'ko papunta sa sala.
Napatigil ako sa pag-lalakad ng bigla s'yang nag salita .
"BAKIT ANG TAGAL MONG MAG REPLY HA?" Sigaw nya habang nakaupo sya sa sofa at nakatingin sya sakin ng masama. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil sa sobrang pagka-gulat na halos atakihin ako sa puso.
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Teen FictionWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties