Mahal Kita

42 9 3
                                    

AUTHOR's NOTE: Maraming Maraming Salamat Po Sa Book Cover my_simple_girl 💓

KIAN's POV

Malapit na ako sa school. Nilalakad ko lang s'ya kase malapit lang naman ito sa bahay.

Habang nag lalakad ako pansin ko ang mga taong nakatingin sa akin. Hindi ko sila ininda bagkus ay diretsyo lang ako sa paglalakad. Ang itsura ko kase ngayun ay magulo ang buhok, malaki ang eyebags, matamlay at mapungay ang aking mata.

Nagulat ako dahil may biglang nag salita.

"Oy bro! Anong nangyare hahahaha!" Sabay inakbayan nya ako habang tumatawa. Tiningnan ko lang s'ya ng masama.

"F*ck you bro!" Inalis ko ang braso nya na naka pulupot sa aking leeg. "Iba nalang ang pagti-tripan mo, wag ako. Tsk!" Inunahan ko na s'ya sa paglalakad.

"HOOOY!" sigaw nito. Hindi ko na lamang s'ya pinansin.

"Tss." Bulong ko. Napansin ko na nasa tabi ko ulit sya.

"Seryoso bro? Anong nangyare sayo? Para ka nang zombie d'yan?" Sabi nya habang pinipigilan matawa.

"LOL."

"Huh? Laugh Out Loud."

Napa face palm ako. "League of Legend. F*ck you bro." Sabi ko at inunahan sya sa paglalakad.

"Minsan talaga, kailangan mo nalang mag sinungaling nang hindi nila malaman ang totoo mong nararamdaman." Sabi ng utak ko sabay napa-buntong hininga ako.

Napatingin ako sa bandan kanan ko at nasa tabi ko ulit s'ya. "Naglalaro ka ng ganun?" Seryoso nyang tanong. Tiningnan ko lamang s'ya ng masamang tingin.

"Oo." Tipid kong tugon.

"Hahaha...seryoso ka bro? Ang pagkaka-alam ko, hindi ka mahilig sa ganun? Tyaka hindi ka naman marunong nun ah." Natatawa n'yang sabi na halos hindi sya maka paniwala sa aking sinabi.

"Wala kana dun bro. Matalino ako kaya natuto ako kaagad." Sabi ko sa kanya habang s'ya ay tumango-tango nalang.

Bigla akong napaharap sa babaeng tumawag sa akin.

"KIAN SAMONTE!!" Sigaw nya habang galit na galit ang kanyang mukha. Napakunot ang noo ko.

Lumakad ako patungo sa kinaroroonan n'ya. "Bakit?" Seryoso kong tanong habang nagtataka.

"Alam mo.. Sumosobra kana eh. Akala ko talaga si Sha lang 'yung abnormal na masyadong pumapatol sa mga immature.. Yun pala mas immature kapa. Ano bang ginawa n'ya sayo at masyado mo s'yang pinapakealaman?!" Galit na galit nyang sabi na halos tumataas na ang kanyang boses kaya napansin kong pinag-titinginan na kami ng mga tao.

Napatigil ako sa mga narinig ko at napayuko. "A-lam ko... Alam ko--" naputol ang aking sasabihin dahil bigla s'yang nag salita.

"Oh ano? Ngayun mo marerealize na naargabyado mo nang masyado ang besfriend ko? Oo alam kong sinipa ka nya sa ano mo" tiningnan nya ang kalagitnaan ko sabay tumingin na sya saking mukha. "Eh kasalanan mo rin naman ah. At alam ko rin na napilay ka nya at alam ko rin na hindi nya yun ginusto.. Kaya please lang... Lumayo kana at baka masuntok lang kita."

"Oy zel. Ano 'yan?" Napatingin ako sa lalaking lumapit sa kanya. At nakita ko rin ang kasama nito.

"Hoy hoy hoy! Heyzel, nakikipag-away kana ah? Susumbong kita kay Shaki hahahaha." Humalakhak ito ngunit hindi ko ito pinansin bagkus ay nag-salita ako.

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon