Besfriend

123 35 27
                                    

SHAKIRA's POV

"Next subject na urgh!" Sabi ko ng mahina habang inis na inis.

Hinihintay ko ang aking mga kaklase kaya agad akong nagtaka kung bakit ang tagal nila?

Naisipan kong i-text na lamang si kulot. Habang nag ta-type ako ay may biglang umagaw ng aking cellphone.

"ANO BA!" Sigaw ko. "Akin na nga yang phone ko!" Galit kong sabi sa kanya habang kinukuha ko sa kanya ang aking phone ngunit mas tinaas n'ya ang kan'yang kamay para hindi ko ito maabot.

"What are you doing here?" Sabi nito na may halong pag-tataka.

Bigla akong napatigil sa pag-aabot ng aking cellphone na hawak n'ya ngayun at agad ko s'yang tinaasan ng kilay.

"Pa english english pa kala naman kung sinong magaling. Sapakin ko kaya to." Sabi ko sa isip ko sabay nag pout ako.

"Oh? Naka nguso ka d'yan. Hahalikan mo ko no? HAHAHAHA! Humalalhak s'ya na parang wala nang bukas.

Agad ko s'yang tiningnan ng masama. "Kapal ng muka mo! Mukha kang tukmol para halikan ko! Madiri ka sa sarili mong budhi. Nakakasuka ka! Eww!" Naiirita kong sabi sa kanya.

"Aba! Kala mo kung sino ka? Isa ka lang namang estudyante dito ha?!" Galit n'yang ani habang nakayukom ang kan'yang kamay.

"Sorry naman kung estudyante lang ako dito! Nahiya naman ako sayong JANITOR!" Pang-aasar kong ani sa kan'ya at diniinan ko ang pagkasabi nito. "Lang dito sa school!" tumawa ako pero mahina lang.

Tiningnan n'ya ko ng masama. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Kapal ng mukha mo hindi ako janitor dito, Anak ako ng may ari ng school na 'to!" Pagmamayabang n'yang sabi at napansin kong papalapit ito sakin habang naka-ngiti ng nakakaloko.

Hindi ko ito ininda bagkus ay pinanindigan ko kung ano ang nasimulan ko kaya nakatayo lamang ako habang nakatingin ako sa kanya. "Grabe natatakot na 'ko!" Pang-aasar kong ani. "Tatakbo na ba ko?" Ningisian ko s'ya.

"Go! Gawin mona!" pag-hahamon n'ya at ningisian din ako nito pabalik.

"Tsk!" Agad akong umiwas ng tingin at agad kong hinablot ang aking cellphone na hawak n'ya. "Wala kang kwentang kausap" sabi ko at umupo na ulit ako at nag simula ulit mag text.

"Grabe ang babaeng 'to. Ang sungit, Humanda ka!" Sabi n'ya ng mahina habang lumalakad palabas. Ano ako bingi para hindi marinig 'yun?

*9:30 2nd subject*

Nagdatingan na ang aking mga kaklase. "Finally!" Sabi ko ng mahina at napangiti na lamang ako.

"HOY SHA?!" Sigaw ng isang babae agad akong tumingin doon.

"Ano?!" Iritado kong tugon sa kan'ya.

"Ay high blood agad? Wala akong hinagawa sayo ah! Tinawag lang naman kita!" Galit n'yang sabi sabay irap nito.

"Whatever!" Yan na lamang ang nasabi ko. Wala ako sa mood makipag-away sa babaeng 'to.

S'ya nga pala si Heyzel V. Sandigan. Besfriend ko s'ya simula nung first year high school kami. Ganyan talaga kami mag-usap.

"Late ka nanaman no?" Tanong nito ngunit tinaasan ko lang s'ya ng kilay.

"Kelan ba ko hindi na late? Baliw kaba!" Naiinis kong sabi sa kanya sabay irap dito.

"Sorry na HAHAHAHA!" Humalakhak s'ya at binatukan ako.

"Aray!" Napahawak ako sa aking batok at tiningnan ko s'ya habang nakakunot ang aking noo. "Para saan naman 'yun?" Naiinis kong tanong sa kanya pero inirapan n'ya lang ako. Tsk!

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon