What Should I Do?

50 11 6
                                    

AUTHORS NOTE

Hello readers~ 💓 Pasensya na po sa mga grammatical errors. I'm just a begginer kaya paki-intindi nalang po. So...Enjoy reading 😘

SHAKIRA's POV

"Oy sha. Mauna na 'ko ah. Hinihintay ako ni james."

"Sige na."

"Okey lang sayo?"

Tiningnan ko sya habang nakakunot ang noo ko. "Pag sinabi ko bang hindi, sakin ka sasabay?"

"A-no...ito naman si sha!" Hinampas nya 'ko sa braso. "Hindi na mabiro." Ningitian nya ko at tiningnan ko lang sya ng duh-look.

"Lumayas ka na nga! Baka masipa pa kita dyan." Galit kong sabe sa kanya at tumingin ulit ako sa inaayos kong gamit.

"O-o na! Bye." Tuluyan na itong lumabas ng room.

Sinilip ko sya at nakita kong lumalakad na sila paalis. Kinuha ko ang aking bag at nilagay ito sa likod ko at lumabas na ako nang room.

"Ano ba yan. Mag-isa nanaman ako." Sabi ko ng mahina. Napatigil ako sa pag-lalakad ng may naalala ako.

May binayaran pala ako kanina sa contribution para sa project namin. Baka wala na akong pamasahe? Agad kong kinapkap ang bulsa ko kung may pera pa ako pero laking gulat ko ni piso wala na.

Napahilamos ako. "Takte yan. Maglalakad ako. Pucha!" Galit kong sabi at nag-simula na akong lumakad pauwe. Bawat may nakikita akong bato sinisipa ko ito at sinasabi kong malas.

Ilang linggo na pala ang nakalipas simula nung nag long quiz kami. Nakapasa ako for the first time. Ang daming compliments ang natanggap ko. Syempre natuwa ako at agad-agad kong binalita kay mama at dahil dun hindi na 'ko masyadong sinesermunan ni mama.

Napatigil ako sa pag lalakad ng maalala ko yung sinabi sakin ni kulot noong nakaraang linggo.

Flashback~

"Alam mo sha..." Tiningnan nya ako ng seryoso. "Masyado ka nang papansin kay Kian. Yung OA ba."

Napatigil ako sa pagsusulat at tiningnan ko sya ng nagtataka. "Huh?"

Kinuha nya ang ballpen at notebook ko at ginilid ito sabay pinatong nya ang kanyang braso sa table. "Hindi mo ba napapansin na masyado ka nang OA."

Mas lalo akong nagtaka. "Hindi kita maintindihan." Umiling ako pero inirapan nya lamang ako.

"Yung Phone mo na hinablot nya na masyado mong binig-deal."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Oh? Anong OA dun?" Tiningnan nya lamang ako ng duh-look.

"Diba nga, kinabukasan nun na-guidance kayo dahil binulabog mo sya at sinipa mo yung ano nya." Inirapan nya ako. "That time naisip ko, Bakit mo yun gagawin eh diba nga wala ka naman pakealam sa mga taong naka paligid sayo except sakin at sa Mama mo."

Natulala ako sa sinabi nya. Ngayun lang ako naguluhan sa mga kinikilos ko. Pero may rason naman ako kung bakit ko 'yun ginawa.

"Alam mo naman diba, sya yung kauna-unahang lalaking bumulabog sa akin. Tyaka ang yabang nya. Nakakainis e! Syempre gusto ko lang naman gumanti."

"Parang yun lang sha? Ang babaw mo?! Masyado kang nag papaka-immature. Kung ginugulo ka nya edi wag mong pansinin. Tapos nalaman ko sinadya mo pala ang pagtalapid dun tapos natuluyan mapilay." Tumataas na ang boses nya.

"Oy! 'di ko naman sinasadya na mapipilay sya. Nag sorry naman ako sa kanya at alam ko naman na napa sobra na ako nun. Pero hindi ko intensyon na pilayin sya." Pagpapaliwanag ko.

Bitter Ako (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon