HEYZEL POV
"Oy babe? Kasali ako sa basketball! Panuorin mo ako mamaya ah!" Sabi ni James sa akin na may halong pagka-excite habang ito'y nakangiti. Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi n'ya.
"Huh? Pati ba naman basketball hindi mo na pinatawad? Baka mamaya malaman ko pati soccer sinalihan mo na!" Inirapan ko s'ya sabay tinuloy ang aking paglalakad.
"BABE NAMAN!" sigaw nito at alam ko na nag pout ito. Ganyan kase s'ya pag alam nyang hindi ako papayag. Dahil sa sobrang inis ko, agad akong humarap sa kanya at tiningnan ko s'ya ng masama sabay hila dito.
Pansin ko parin na naka-pout ito kaya agad kong hinilamos ang aking palad sa kan'yang mukha. "Ano kaba! Kung mag pa-pout ka dapat sa harap ko mismo! Hindi yung pag nakatalikod ako." Galit kong sabi sa kanya sabay irap. Tsk!
Napansin kong ngumiti ito. Hindi lang ito basta ngiti, ito'y ngiting nakakaloko. Agad ko syang tinaasan ng kilay. "Wag mo akong ngitian ng ganyan! Baka gusto mong--" hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil inunahan n'ya ako.
"Ano?" Mas lalo itong ngumiti at nilalapit n'ya ang kanyang mukha sa aking mukha kaya unti-unti akong napaatras
"Wa--la!" Umiwas kaagad ako ng tingin sabay tinulak ko s'ya. "Haist! Oo na! Dapat sa akin mo lang pinapakita yang..." Inirapan ko s'ya at tumingin ako sa kaliwa. "Pout mong pang pusa! Tss!" Mahina kong sabi.
Hinawakan nya ang aking magkabilang pisngi at itinapat n'ya ito sa kanyang mukha. Napansin kong nakangiti ito at dahil dito agad akong pumikit. "Anong sabi mo?" Sabi ni James na alam kong may bahid na ngiti sa kan'yang labi at alam ko rin na ikinatutuwa n'ya itong nangyayare! Haist!
"..." Hindi na lamang ako nag salita at alam ko na ang sunod na sasabihin nito kung mag-sasalita pa ako.
"Imulat mo nga 'yang mata mo?" Sabi nito ngunit hindi ko s'ya ininda. "Imumulat mo 'yan o hahalikan kita dito sa harap ng maraming tao!" Alam kong nakangiti ito habang sinasabi 'yun at dahil doon nakaramdam ako ng inis sa kan'ya kaya agad kong minulat ang aking mata.
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko! Tsk!" Naiirita kong sabi sa kanya at napansin kong umiling-iling ito habang nakangiti. Haist! Sabi na eh.
"Urgh! Alam mo namang isa yan sa mga dahilan kong bakit kita..minahal..." Yumuko ako at nag buntong hininga. Pagkatapos nito ay agad kong inangat ang aking ulo at tiningnan s'ya. "Try mo pang mag pout dito sa school o kung saan man na lugar, ibi-blade ko 'yang nguso mo." Paghahamon kong sabi sa kanya. Magsasalita pa sana ito ngunit binara ko kaagad.
"Pwera pag kasama mo ako o kaharap mo ako!""Pe--" hindi ko sya pinatapos sa pagsasalita dahil inunahan ko ulit s'ya sa pagsasalita.
"At! Alam kong gwapo ka at maganda ak--" pansin kong magsasalita ito ngunit binara ko s'ya. "Osige magsalita ka, ibi-blade kita." Pantatakot ko sa kanya pero napahilamos lang ito at ningitian ako sabay hinila ako para yakapin.
"Alam ko..alam ko..alam ko naman na..ayaw mo lang na may lumapit sakin para landiin ako diba?" Sabi ni James hang hinimas himas ang aking buhok. Nawala ang pagka-inis ko sa kan'ya at unti-unti akong napangiti sabay niyakap ko s'ya ng mahigpit.
"Good...tyaka alam mo namang nakaka-attract yang..pout mong pang pusa hahaha." Natatawa kong sabi sa kan'ya. "Kaya nga kita minahal eh! Dagdag mo pa yang ngiti mong pamatay hahaha!" Tumawa ulit ako at tumawa na rin s'ya ngunit makalipas ang ilang sandali ay tumigil ito at binulungan ako.
"I love you." Bulong nito na halos nagpakiliti sa aking tenga at unti-unting lumawak ang aking ngiti sa aking labi.
"I love you too." Tugon ko sa kanya na may bahid na puno ng pagmamahal. Naramdaman kong mas hinigpitan n'ya ang pagkakayakap sakin.
BINABASA MO ANG
Bitter Ako (On Hold)
Ficção AdolescenteWhat will happen if the Bitter Girl fell In Love? Date Started: January 30 2016 Date Finished: --- ©All Rights Reserved Covered by: @my_simple_girl Author: @WhiteKitties