CHAPTER 2: That Creepy Smile

4.3K 83 13
                                    

This chapter is dedicated to 'TakehumiTAMII'. Chapter 2 na lang pala, hehe. Salamat sa suporta mo sa akin ha! Fighting sa writing career natin pareho. Lols. (^___^)v

*****

CHAPTER 2: That Creepy Smile

“W-WAAAAAAA!!!! ZOMBIEEE!!! ZOMBIEEE!!!! KYAAAAA~ KATAPUSAN NA NG MUNDO!! MAY ZOMBIE APOCALYPSE NAAAA!!!” nilagpasan ko lang si Aira at si Charisse. Parang loka loka yung dalawa, ano kayang ginawa ng dalawa kagabi at ang hyper nila ngayon?

 

“T-Teka Aira, hindi yata zombie yung dumaan… Si Patrice yata yun! Tama, si Patrice nga yun!” sabi ni Charisse at dahang-  dahang lumapit yung dalawa papunta sa upuan ko. I ignored their craziness and decided to rest my head on the table.

“WAAAAA!! Ikaw nga yan, Pat! Anong nangyari sayo, gerl?!! (O___O)” sabi ni Charisse. I got up and looked at them. Yung dalawa bigla namang namutla na akala mo ay nakakita ng multo, at may payakap yakap pa sa isa’t isa na nalalaman.

“Of course it’s me. Patrice. Tao ako. I’m not a zombie. (=_____=)” sabi ko sa kanila. Nilapit nila pareho yung mukha nila sa akin na parang pinag-aaralan yung mukha ko. Seriously? Mga puga talaga sa mental itong dalawang ‘toh.

“Yay! Tao ka nga pero bakit mukha kang zombie?” sabi ni Aira. Siniko naman agad sya ni Charisse.

“Baliw ka talaga, Aira! Yan ang napapala mo kakanuod ng World War Z eh! Wala ka ng bukambibig kundi zombie! Uy gerl, bakit nga ganyan ang itsura mo? Ang laki ng eye bags mo, nagsuklay ka ba bago pumasok?” tanong ni Charisse tapos hinawakan yung buhok ko. Basang-basa at buhol-buhol.

“Hindi nga eh. Tinamad akong mag-suklay. Inaantok pa kasi ako. Pasuklayan nga.” utos ko sa kanila. My eyelids feel so heavy, parang anytime babagsak na talaga yung mata ko at matutulog na ako eh. Napuyat ako kakaiyak dahil kay Julian tapos nagsagawa pa ako ng orasyon para naman dun sa lalaking masama ang ugali sa bus stop kagabi.

“Haynako! Ako na magsusuklay sayo. Where’s your brush, Pat?” tumayo si Aira tapos hinanap sa akin yung bag ko.

“I forgot my bag. I’m going to pick it up later after class.” Sabi ko pa na walang ka-energy energy at antok na antok.

“Patrice, papasok ka ng basa ang buhok at hindi pa nakakasuklay tapos wala kang dalang gamit. Yung totoo, mag- aaral ka ba talaga? San ang gora, teh?” pamimilosopo ni Aira. Sinimangutan ko sya. Tama nga naman, hindi ko na kasi naisip pa yung mga bagay na yung pag-uwi ko kagabi eh. I’m so pre-occupied by the sudden events last night. My bad.

“Pick it up, where? Hindi mo ba sa bahay niyo naiwan?” tanong ni Charisse, nilabas na niya yung sarili niyang suklay at ibinigay kay Aira. She started brushing my wet and damp long brown hair.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon