CHAPTER 13.2: 1st Day. Maid Cafe 2

2.7K 39 1
                                    

CHAPTER 13.2:  1st Day. Maid Cafe 2

“Aah. Yun lang po?” tanong ni Tyrone dun sa babae sa table. Hawak hawak ni Tyrone yung papel kung saan niya sinusulat yung order.

“Yes~ *Q*” sabi ng babae habang tulo laway na pinagpapantasyahan ang matangkad na lalaki na nakatayo sa harap niya. Inulit ni Tyrone yung orders nilang tatlong magkakaibigan.

“Waaa~ ang galing mo naman. Natandaan mo lahat yun? :33” pakyut na sabi naman nung babaeng may bangs hanggang talampakan, deh joke, may full bangs I mean.

“Yeah, wait for your orders, ma’am.” Tapos dali-dali ng umalis si Tyrone sa harap nila at iniwan sila doong nakatunganga at mga tulo laway. Grabe, yung isa kilig na kilig naman.

“Table #12.” Pinatong ni Tyrone yung papel sa counter then pinagtunog yung bell. Lumapit sa kanya si Carl, isa sa mga classmate kong lalaki.

“Bro, princess ang tawag natin sa mga customers nating babae, hindi ma’am!” natatawang sabi ni Carl kay Tyrone tapos inakbayan ito. Galing nga eh, close agad sila? XD

“Aissh, why would I call them my princess? They’re not my princess. She’s over there.” Tapos tinuro ni Tyrone yung pwesto ko. He winked at me (as always) and gave me that thumb flying kiss again. asdfghjkl!!! Siniko sya ni Carl habang natatawa saming dalawa. Aasarin na naman ako nun! (>/////>)

“Kyaaaaa~!! Ayan na! Ayan na!! Sya kukuha ng orders natin!!!” ang iingay nung nasa isang table nung papalapit na sa kanila si Tyrone. They are group of high school students.

“Orders niyo?” may pagka-rude na sabi ni Tyrone. Bwahaha. Natawa ako. Nung una kasi, medyo maayos pa sya magtanong sa mga customers, pero mga ilang oras na rin syang nagtatrabaho kaya siguro napapagod na rin yan. Plus! Badtrip pa yan kasi tili ng tili yung mga babae sa kanya. Super magpa-cute! Gravity!!!

“Kuya, ano pong pangalan niyo? Wala pa kasi kayong name tag kagaya nung sa lalaki eh. *u*” sabi nung isa, yung baby-faced girl na may backpack na kulay green.

“Orders?” Tyrone repeated. Nag-asaran yung mga dalaginding kung paano dinedma ni Tyrone yung kaibigan nila. Nakatayo lang si Tyrone sa harap nila, nakapa-mewang pa at hinihintay isulat yung orders nila.

“Ang suplado mo naman, Kuya! Bakit yung iba friendly samin, bakit kayo?” naka-pout na sabi ulit ni baby-faced girl. Huminga ng malalim si Tyrone. Yumuko sya at may sinabi dun sa grupo ng mga babae.

"I already have a girlfriend..."

Tumayo ako mula sa pwesto ko para makita/marinig si Tyrone. Pero hindi ko rin naman alam kung ano yung sinabi niya. Nakaupo lang kasi ako dito sa counter mula pa kanina. Wala akong ginagawa kundi manuod, pero si Tyrone lang talaga ang pinapanuod ko. Banas nga eh, mula ng tumulong sya, karamihan ng customers namin puro babae na. (=____=)

“Iyon po, Kuya?” tumayo yung babae tapos may tinuro dito sa pwesto namin. Ako lang yung nakapansin dahil abala si Karla sa pag-aasikaso ng mga pending orders dito sa counter.

“Hindi yun. Yung isa, yung nakaupo.” Napapakamot pa na sabi ni Tyrone at tumuro na din dito sa direksyon ko. Sure na ako, ako yung tinuturo niya dun sa mga high school customers namin.

“Aaahhh. Yun po pala… Bagay po kayo! (^____^)” narinig ko ng babae tapos sinang-ayunan naman sya ng iba pa niyang mga kaibigan. Ngumiti si Tyrone sa kanila at tinanong na ulit yung mga orders nila.

This time hindi na nangulit yung mga high school at sinabi na yung mga orders nila kay Tyrone. Ang ingay nga lang nila kasi tawanan sila ng tawanan. Pati nga si Tyrone nakikitawa sa kanila eh. Ano kayang sinabi ni Tyrone? Bakit kaya niya ako itinuro sa mga yun? (~__~)?

Nung mapagod na akong magpahinga, sinuot ko na ulit yung apron ko na match sa suot kong maid costume. Kanina pa ako nagpapahinga, ang kapal ko naman. Hahahah. Lumapit ako kay Ate Sandy at sinabing tutulong na ako. Sabi niya kahit wag na lang daw kasi 2 hours na lang naman daw at isasara na yung booth, pero nagpumilit pa rin ako.

“Tyrone, pahinga ka na. Ako naman! (^O^)” tinapik ko sa likod si Tyrone nung nilapitan ko sya. He looked at me.

“Sure ka? Di na masakit ulo mo?” he asked again. I nodded and smiled at him.

“Aissh, wag na, bumalik ka na dun sa pwesto mo.” Utos niya sa akin. I shook my head and stopped him. Kinuha ko yung note pad mula sa kanya.

“Okay na po ako. Promise!” sabi ko sa kanya tapos nag-proceed na sa pagkuha ng orders sa mga table. Feeling hyper ako ngayon! Thanks dahil nakapagpahinga ako dahil kay Tyrone ko. Kilig matsss lang. (^/////^)

“Bakit pa? Wag na.” tapos inalis ni Tyrone yung pagkakahawak ko sa braso niya. Binalik ko rin ulit iyon.

“Arte nito! Bilis na kasi! Pasalamat ka nga diyan eh!” naiinis kong sabi sa kanya. Sarado na yung booth at nag-iinarte pa itong si Tyrone dahil ayaw niyang ipakilala ko sya sa mga friends ko.

Yup, I decided na dapat makilala na sya nina Aira at Charisse. Friends ko naman sila ah? Isa pa, they need to know who I am dating. And it’s not like aayawan nila si Tyrone ko, lalo pa at tingin nila kay Tyrone ngayon ay super gentleman. Pwe! Gusto ko masuka! Minsan lang kaya yan maging gentleman, most of the time, para syang mongoloid. Deh joke. Hahaha.

“Tyrone kasi! Pinakilala mo ako sa friends mo, kaya dapat ako ganun din!” sabi ko sa kanya at binigyan sya ng sobrang nanggigigil na kurot sa tagiliran. Nakakagigil eh! Kaasar!

“ARAY!! Oo na! Oo na sasama na!!” He scowled. Tapos tinigil ko na yung pagkurot ko sa kanya. Hehe. Masakit pa naman ako mangurot kaya wala talaga sya magagawa. Naglakad na kami papasok sa quarters kung saan nandun sila. Nakasimangot si Tyrone na sumama sa akin, nakahawak sa tagiliran niya, dun sa part na kinurot ko. Bleh, buti nga. :PP

“Aira!! Charisse!!” tawag ko dun sa dalawa na nakiki-usyoso kina Ate Sandy na kasalukuyang nagbibilang ng kinita namin ngayong 1st day. Mapupunta naman sa charity yung kita namin ngayon kaya di na rin masama na tumulong si Tyrone samin. :”>

“Oy! Grabe! Naka-16K tayo ngayon, Patrissssss!!!” tuwang tuwa na sabi sa akin ni Aira. Halos magtatalon na sya sa saya.

“Oo nga! Salamat din sayo!!” sabi ni Charisse kay Tyrone. Tyrone forced a smile at her. Sinamaan ko ng tingin si Tyrone. Wala yan sa mood kaya nagsusungit. (-____-)

“Ah, girls… Ahm.. Si Tyrone nga pala.” Sabi ko sa dalawa. Ngiting ngiti yung dalawa sa akin.

“Alam namin. Narinig namin yung pangalan niya kanina eh kaya alam namin na sya yung dine-date mo ngayon. Yiiieee~ ang landi mo talaga, Pat!!! Hahaha!” tawang- tawa na sabi ni Charisse.

“Ty, si Charisse at Aira. Friends kong mga baliw.” Pakilala ko sa dalawa. Tumawa ng mahina si Tyrone.

“hehe. Bakit?” tanong ko kung bakit bigla sya biglang tumawa.

“Wala. It’s just that birds of the same feather—“ alam ko na ang idudugtong niya dun kaya sinamaan ka na agad sya ng tingin. Napansin naman yun nina Charisse at Aira kaya nag-giggle yung dalawa.

“Nice to meet you, Tyrone! You know what, you really look familiar to me. Have we met before?”  Aira asked Tyrone.  Yan na nga yung kanina pa niyang sinasabi pero hindi naman niya ma-pinpoint kung bakit familiar sa kanya si Tyrone.

“Uhhh… I’m afraid I didn’t know you from anywhere. Ngayon lang…” Tyrone calmly answered her. Nakakunot pa rin yung noo ni Aira, nag-iisip.

“Ganun ba? Siguro nga mali lang ako…” sabi ni Aira pero makikita mong nag-iisip pa rin sya. Bakit kaya familiar si Tyrone sa kanya?

“Kunwari ka pa Aira eh! Ang dami mo na kasing napuntahang party kaya baka doon mo nakita si Tyrone! Isa pa, yang gwapong yan? Kung familiar sya sayo, maalala mo agad sya kasi ang gwapong lalaki mahirap kalimutan, noh? For sure nakita mo lang sya somewhere. Don’t make a big fuss about it, okay?” sabi ni Charisse kay Aira at inakbayan ito.

“Osige na nga. Ay sige, Pat. Tutulong na kami sa pag-aayos ha? Tumulong ka din, babae!!” sigaw sa akin ni Aira.

I looked at Tyrone and gave him an apologetic smile. Mukhang di ako makakasabay sa kanya pauwi ha. I also need to help clean the booth. Huhuhu. (T____T)

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon