CHAPTER 14.4: 2nd Day. Decision

2.9K 40 17
                                    

CHAPTER 14.4: 2nd Day. Decision

“Ang galing mo, Pat kanina! At ang sweet ha~” panunukso sa akin ni Ellize. Nakaalis na yung iba niyang mga kasama na nagpasalamat din sa akin dahil daw sa ginawa ko. Wala naman talaga yun for me eh. Actually thankful pa nga ako na nabigyan ako ng chance na tumugtog para kay Tyrone. :”)

“Hehe. Nakita mo ba si Tyrone? Yung kasama ko kanina?” tanong ko sa kanya. Siguro mga 30 minutes ng tapos yung performance, hindi ko pa rin nakikita si Tyrone. Where did he go? Baka sobra syang kinilig sa ginawa ko? Hindi kaya? Hahaha.

“Ha? Parang napansin ko sya kanina dun sa labas? Hinihintay ka yata niya!” sagot sa akin ni Elliza. Anong ginagawa niya sa labas? Ano ba yan. Sya pa naman ang ine-expect kong unang sumalubong sa akin after ng performance ko. :”(

“Okay. Puntahan ko lang sya, ha? See ya around, Elliza.” Then niyakap ko sya at nagbeso-beso. Bago ko sya puntahan sa labas, nagpalit muna ako sa aking maid uniform. After nun, hinanap ko sya sa labas ng booth.

Akala ko ba nandito lang sya sa labas?

Bakit wala sya dito?

Umalis na ba sya?

Umuwi?

Iniwan ako?

“Sino ako?” naramdaman kong merong tao sa likod ko at tinakpan yung mga mata ko gamit yung dalawa niyang kamay. Napangiti ako… pero bakit ganun? Pakiramdam ko biglang uminit yung mga mata ko… parang bigla akong maluluha…

“Master Tyrone.” Mahina kong sagot sa kanya. Pinilit kong ngumiti habang sinasagot sya. Dahan- dahan niyang inalis yung mga kamay niya mula sa pagkakatakip sa akin. Hinarap niya ako sa kanya. Nanatili akong nakatungo.

“Bakit, Patis? Okay ka lang? Bakit….” Same as me, hindi rin maintindihan ni Tyrone kung bakit bigla na lang akong naluha. Ako din eh.. hindi ko din maintindihan kung bakit bigla na lang lumalabas itong mga luha ko. Hehe.

“Oo. Ayos lang ako…. Ikaw kasi eh..” sabi ko sa kanya tapos mahina pa syang tinulak. Pinilit kong ngumiti at punasan yung mga luha ko. Nakatingin lang sa akin si Tyrone with his worried look…

“Anong ginawa ko? Sorry…” hindi ko alam kung anong nasa isip niya at nagso-sorry sya. Ano nga ba ang ginawa niya? Wala naman diba? Exactly. He didn’t do anything when I expected him to do something.

“Bakit ka nag-so-sorry diyan? Wala ‘toh. Nag-iinarte lang ako…” sabi ko sa kanya, naluluha pero natatawa. Sabi sa inyo eh, mababaw ang luha ko at may pagka-loka loka pa ako.

“Did I upset you?” tanong niya sa akin. Tumahimik lang ako at nag-isip ng mabuti. I think he’s right. I’m crying because I’m so upset. Akala ko matutuwa sya sa pag-confess ko, I guess I was wrong. Wala ba syang pakialam sa pag-amin ko? Sa feelings ko?

“Yeah…” I answered him truthfully. He remains silent. Huminga ulit ako ng malalim at tiningnan sya face to face.

“Alam mo pinag-isipan kong mabuti yung ginawa ko kanina… I even convinced myself na okay lang na aminin ko sa sarili ko na gusto kita… It’s the truth, Tyrone… I like you... so much. Are you not feeling the same thing for me?” I stepped closer to him. This time, sya naman yung nakatungo.

“It’s not like that, Patis…” he answered shortly.

“Then what is it? Isa lang din ba ako sa mga babaeng wala kang planong seryosohin? Am I just a ‘number’ to you?” I asked again afterwards.

Number? Hell no, of course not! Seryoso ako sayo, Patrice. I’ve never been this serious to any other girl for a long time, sayo lang talaga…” He answered convincingly. Kahit paano nagkaroon ako ng confidence sa sagot niya. I can feel it, he’s really serious with me…

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon