CHAPTER 5: Facebook Chat

3.5K 74 19
                                    

CHAPTER 5: Facebook Chat

 August 09. Friday. 8:30 PM. Patrice’s bedroom

“Nanay Lisa, alam niyo po ba kung saan ko po nailagay yung phone ko?” I asked Nanay Lisa, sya na yung pinakamatagal naming housemaid dito. Sya yung naging babysitter namin ni Ate Laurice, my sister that is 4-years older than me, kaya malapit rin talaga ako sa kanya. Parang second mom na din ang tingin ko kay Nanay Lisa.

“Ikaw talaga na bata ka napaka makakalimutin mo, naiwan mo yung phone mo dun sa kitchen, nakita ng daddy mo. Sabi ko ako na ang magbibigay sayo at tataas rin naman ako.” Sabi ni Nanay Lisa tapos nilabas mula sa bulsa niya yung cellphone ko. Waaaa~ Mabuti na lang at hindi ko nawala!! Kinabahan ako dun ah!! *_____*

“Hehe. Salamat po Nanay Lisa. Nawala po sa isip ko ‘tong phone, may hinihintay pa naman akong text. Hehe.” I thanked her then went straight to my restroom to grab my dirty clothes. Sabi niya nandito sya para kunin yung laundry ko eh. :D

After that, humiga agad ako sa kama ko and checked my phone. May mga unread messages ako so I immediately opened them, hoping that one of them is from Tyrone pero galing lang pala kay Aira na nagpapasa ng quotes. Anong trip ng babaeng ‘toh? Fuuuu~

Anyway, haaaayyy. Hindi na naman nagpaparamdam sa akin si Tyrone after niya akong ihatid dito nung kumain kami ng goto. May nangyari kaya? Sus, bakit ba ako nag-aalala sa lalaking yun, malaki na sya at di ko naman sya boyfriend eh. Sabi ko sa sarili ko then tumayo at kinuha yung laptop ko.

Of course, I logged in on Facebook. Tiningnan ko muna yung notifications, nung nakita kong mga invitation lang naman sa online games yung nandun at ilang likes ng photos ko, messages naman yung tiningnan ko, naburaot lang ako kasi mga nanti-trip lang yung mga nag-p-PM sakin, yung tipong nangungulit na kunin yung number ko. O di kaya nagpapa-like ng pictures para sa mga online contest or whatever. Syempre dinedma ko na lang yung mga yun at tiningnan yung friend requests ko. Dahil malapit na ako ma-full friends, hindi na ako nag-a-accept at hinahayaan ko na lang sila mag-follow sa akin but to my surprised, itong friend request na ito ang hinding- hindi ko pwedeng palagpasin!!! (>/////<)

Friend Requests

Robert Ricardo (16 mutual friends)                     Confirm                        Not Now

Acckuh Xsi Bhoxs Muh (3 mutual friends)          Confirm                        Not Now

Zyrine Neir (23 mutual friends)                            Confirm                        Not Now

Tyrone Jake Marcos (87 mutual friends)              Confirm                        Not Now

Roxelle Cagampang (158 mutual friends)            Confirm                        Not Now

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon