CHAPTER 27: Let's Do Good Day
PATRICE'S POV
October 26. Friday. 8:30 AM.
"Patrice, hija! Aba'y matagal ka pa ba? Kanina pa naghihintay sayo si Tyrone sa baba!" Lalo akong nagmadali nung kumatok at magsisigaw sa labas ng pintuan ko si Nanay Lisa.
"Opo! Malapit na po akong matapos!!" sigaw ko rin at halos lumipad papunta sa closet ko para mag-hanap ng masusuot na damit. Grabe, tuluan pa rin yung buhok kong hindi ko pa nasusuklay. Katatapos ko lang kasing maligo.
Bakit nga ba ako natataranta nang ganito kaaga? Paano kasi, sembreak ko na diba? E di syempre lagi na akong nagpupuyat! HAHAHA! Eh kagabi, tinawagan ako ni Tyrone para sabihin na bibisita sya sa pinatayo niyang school sa Brgy. Dalisay, yung pinuntahan namin nung first date namin. He asked me if kung gusto kong sumama so I said 'yes'. Hehe. Ang sabi niya, 8AM daw niya ako dadaanan dito sa bahay... Kaya lang tinanghali ako ng gising kaya... ayun. Haha.
At pagkatapos ng mahaba kong pag-iisip, sa awa ng Diyos, nakapili na ako ng susuotin today. I decided na magsuot na lang ng plain black longsleeves, pants, sneakers and a cap. Last time kasi nag-dress ako, ngayon alam ko na kaya magsusuot ako ng kumportableng damit. ^___^
Nung makapag-bihis na ako, mabilis ko namang inayos yung buhok ko. Hahaha. Nung sinabi kong mabilis, I meant another 30 minutes.Eh kasi syempre, nag-blower pa ako at nagpaganda. Omaaayygad. Hahaha. Patay na talaga ako kay Tyrone! He's been waiting for an hour now! Hihi.
After kong masigurado na maganda na yung itsura ko, bumaba na ako. Of course I have to make sure that I look pretty para kahit papaano naman hindi ako sungitan ni Tyrone buong araw. Hehe. Excited na akong makita si Tyrone at hawak hawak yung shoulder bag ko nang maabutan ko silang nag-uusap ni Mommy.
"Oh... Mommy, nandito ka pala." sabi ko na lang. Medyo nagulat ako kasi ang alam ko pumasok na sa office niya si mommy eh.
"Yeah. May binalikan lang ako." sagot niya sa akin. Sinipat ni Mommy yung itsura ko atsaka tumingin kay Tyrone. "Where are you bringing Patrice, Tyrone?" My mom asked to him. Hindi naman masungit yung pagkakatanong ni Mommy, parang nagtatanong lang talaga sya.
"We're going to a school, Ma'am." simpleng sagot ni Tyrone na puno ng pag-galang. I decided na umepal na sa usapan nila kaya tumabi ako kay Tyrone at hinawakan yung braso niya.
"Hindi mo kasi natatanong, Mommy... Itong si Tyrone, meron syang pinagawang pre-school sa baranggay kung saan sya lumaki. Pupunta kami ngayon doon." I explained to my mom. "Ang bait po ni Tyrone, noh Mommy?" ngiting- ngiti kong tanong. My mom also likes doing charity. Madalas syang nagdo-donate sa mga organizations na tumutulong sa mga batang iniwan ng mga magulang, walang makain at hindi makapag-aral.
My mom looked at Tyrone then slowly nodder her head. I smiled widely. I know I just hit her soft spot and it's a really good thing for Tyrone~
"That sounds nice. Sige, Tyrone, ikaw na ang bahala kay Patrice." ibinilin lang ako ni Mommy kay Tyrone at pagkatapos ay tumaas na si Mommy papunta sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
Loving a 'G'
Teen FictionEverything about Tyrone Jake Marcos screams mystery… and trouble. At first, Patrice Ramirez was so sure that he’s a good-looking pervert that would never interest her. But after she was dumped by her long-time jackass boyfriend, she discovered that...