CHAPTER 6: 1st Date for A Cause

3.5K 68 7
                                    

CHAPTER 6: 1st Date for A Cause

 August 10. Saturday. 10:35 PM

TIME CHECK: 10: 35 AM. Ang usapan ay 10 o’clock, pero late na naman sya ng more than 30 minutes. Kainis talaga yung lalaki na yun! Kanina pa ako naghihintay dito sa bus stop pero wala pa rin sya! Ilang bus na ang dumaan. Ilang pasahero na ang nakaalis. Ilang beses na ako pabalik balik pero wala pa rin talaga sya. Huhuhu. Sabi ko wag niya akong paghihintayin eh! yung lalaki talaga na yun daig pa ang babae. Ang kapal ng mukha, ako pa talaga ang pinaghintay! (>________<)

“Kanina ka pa? Kadarating ko lang eh.” tumingin ako sa lalaking kadarating lang na nagsalita. He’s wearing red converse, pants, black polo shirt and black cap. Wow ha, ayaw naman niya sa black? But in all honesty, bagay naman sa kanya yung black. Lalo sya nagmumukhang nakakatakot, yung mata niya kasi ang weird tumingin, diba? Bwahahaha! :D

“Oo nga, kadarating mo lang talaga, kanina pa ako dito eh. Grabe nga eh, ang aga mo.” I grunted. Kainis kasi, sabi ng mainipin ako pero pa-VIP na naman sya eh. Tapos darating dito na parang wala lang. Isn’t he annoying? Namimihasa syang maging late ha! (>o<)

“Sorry. May dinaanan kasi ako. Tara na, wag ka ng magalit.” Sabi niya tapos hinila yung wrist ko pasakay ng bus. Hihi. Holding hands? Medyo. Pwede na din. Sige apology accepted na nga. XD Dire-diretso kaming naglakad papunta sa may likod ng bus, dun sa dalawahan. Pinaupo niya ako sa malapit sa bintana.

Oh wait, after he mentioned it, dun ko lang napansin na may dala-dala nga syang mga plastic pero hindi ko alam kung anong laman nun. I tried to take a look pero parang mga lata yata yung nakikita ko? Malalaking lata, tapos madami. I just ignored it kasi may isa pa akong pinagtataka. Nasaan na yung kotse niya? Bakit nag-bus kami, diba? (~__~)?

After some minutes, umalis na din yung bus. Nakapagbayad na din kami ng pamasahe pero dahil abala ako sa pagtingin sa may bintana kung saan may mag-syotang nag-aaway sa labas, hindi ko na tuloy narinig kung saan kami bababa. Haaayyy. Naalala ko tuloy si Julian, minsan ganyan din kami mag-away, tapos hahabul-habulin ko sya para mag-sorry pero maya maya, sya na yung nanghahabol sa akin dahil nagtatampo na din ako. Nabasa ko nga sa Facebook ang kasabihang, "Kapag galit si babae, nag-so-sorry si lalaki, pero kapag galit si lalaki, galit din si babae." Bwahahaha! :D

“Bakit pala ganyan ang suot mo, Patis?” tanong niya, lumingon sya sa akin at tiningnan yung suot ko. Tumingin din tuloy ako sa suot ko. What’s wrong with what I’m wearing?

“Because this is my style?” medyo hesitated kong sagot sa kanya. I’m wearing an above-the-knee white dress. Parang crochet-type yung pagkakatahi ng dress ko tapos off-shoulders sya na may straps. I matched it with a brown summer hat. Naka-wedge din ako. I so love my get-up talaga, alam niyo yun!!! Pero bakit sya ayaw niya yata? May mali ba sa suot ko? (~~,)?

“Aissh, dapat nag-pantalon ka na lang tsaka rubber shoes. Baka mag-reklamo ka mamaya sakin kapag masakit na yung paa mo o may mambastos sayo, igsi ba naman ng suot eh.” reklamo niya tapos binalik yung tingin sa harapan.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon