CHAPTER 3: Sexy Dork
August 03. Saturday. 9:50 PM
“Sige po, Manong Jose. Kina Aira at Charisse na po ako sasabay pauwi.” I told our driver para makauwi na sya sa bahay nila. Almost 10 PM na kasi pero nagpahatid pa ako papunta dito sa Ecstasy, dito yung bar na lagi naming pinupuntahan ng mga friends ko.
“Ah, sige ho, Ma’am Patrice. Mag-iingat ho kayo pauwi, Ma’am.” Sabi ni Manong Jose at tuluyan ng umalis. Maya- maya, nag-decide na din akong pumasok sa loob ng bar. Nasa labas pa lang ako, maririnig mo na yung music sa loob eh, tapos, meron ring mga tao sa labas na nakapila para pumasok. Yung iba naman, lumabas para magpatanggal ng lasing kaya ang ingay- ingay tuloy, may balak pa yata mag-wala. (=____=)
After some minutes, nakapasok na din ako sa loob ng Ecstacy. Girls Generation’s Mr. Taxi is blasting on the speakers of the bar. Yung mga tao naman sa dance floor, sobrang dami na halos wala ka ng makitang space. Nilagpasan ko yung dance floor at hinanap sina Charisse at Aira.
“Bakla, dito! Late ka na naman!” tawag sa akin ni Charisse. I walked to our table and sat beside Aira. Nakaka-ilang bote na kaya ‘tong mga ‘toh?
“Oo nga. Akala namin di mo na kami sisiputin eh. Ano gusto mo?” tanong ni Aira sabay tawag dun sa waiter. Sumandal lang ako sa couch at nag-buntong hininga.
“Vodka. Isang bote.” I muttered. Nag-tinginan lang yung dalawa tapos sila na yung umorder para sa akin. Sniff. Sniff. Ito ang dahilan kung bakit nila akong niyayang mag-bar ngayon, kasi gusto nila i-lighten up yung mood ko. Ilang araw na kasi akong matamlay.
“Huhuhuhu! Ano ba kasing ginawa ko? W-Wala naman akong ginawa eh!! Baka meron nga pero di ko maalala so wala din yun!! DIBA?!!” hagulgol ko kina Aira at Charisse atsaka nag-shot ng vodka. Almost half na yung naiinom ko kaya siguro ang sensitive ko na ngayon. Hik.
“Haaayy, ano pa nga ba? For sure may nagawa ka kaya sya nakipag-break sayo pero dahil malilimutin ka talaga, hindi mo maalala yun.” Sabi ni Charisse, hinihimas niya likod ko para patahanin ako sa pag-iyak.
“Eh bakit hindi niya sabihin sa akin yung nagawa ko? Grabe! Pinapaiyak na naman niya ako!!! Huhuhuhuhuh!!” my tears are flowing then I put my head on the table. Nahihilo na kasi ako eh. Hik.
“Lagi ka namang naiyak, noh. Anong bago dun, Patrice? (=____=)” sabi ni Aira, umayos ako ng upo at humarap sa kanila.
“What’s new? Ang bago ay 3 weeks na niya akong hindi tinatawagan! Hindi china-chat! As in hindi nagpaparamdam! Yun yun bago dun, girls! He just vanished like that!!” then I snapped my fingers.
BINABASA MO ANG
Loving a 'G'
Teen FictionEverything about Tyrone Jake Marcos screams mystery… and trouble. At first, Patrice Ramirez was so sure that he’s a good-looking pervert that would never interest her. But after she was dumped by her long-time jackass boyfriend, she discovered that...