CHAPTER 15.1: 3rd Day. University Ball
September 13. Friday. 5 PM.
“You decide, Tyrone….”
ASDFGHJKL!!! Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote ko at sinabi ko ang mga bagay na iyon kay Tyrone? At saang parte ng mundong ibabaw ko nakuha ang lakas ng loob na maghamon pa ng ganun sa kanya?!!! Ughhh! Akala ko pa naman perfect day na yesterday tapos biglang mauuwi lang kami sa ganito?
“Patrice, I can’t…”
U-UWAAAAA!!! Paano kung piliin na lang niyang hindi ako makita kailanman? I saw his face… talagang nahihirapan syang mag-decide. Patrice naman kasi, anong problema mo? Ganun na ba ka-big deal sayo ang sabihin niyang gusto ka niya?! O di kaya mahal ka niya?! Hindi naman lahat ng feelings kailangang sabihin diba? Yung iba pakiramdaman lang okay na!!
Nakakainis ka talagang Patrice ka, sana naisip mo yan kahapon! Pasaway ka talaga Patrice! @#$%^!! Arghhh! (>____<)
“Hoy babae, naloloka ka na naman!” tapos binatukan ako ni Charisse sa ulo. Tumingin ako sa salamin at sinimangutan sya. Nandito ang dalawa ni Aira dahil nag-aayos kami para sa University Ball tonight.
“Alam mo gerl, kung ang iniisip mo yung nangyari sa inyo ni Tyrone… ahm, actually, tingin ko tama naman yung desisyon mo eh….” sabi ni Charisse, inaayos niya yung buhok ko.
“Talaga? Paano mo nasabi?” I asked her.
“Eh kasi mahirap sa isang relasyon yung huhulaan mo kung anong nararamdaman niya for you. Sige, sabihin nating gusto mo sya, gusto ka rin niya. So? Ganun na lang yun? Kaya nga may bibig eh, para sabihin yung nararamdaman natin sa taong mahal natin.” Sabi naman ni Charisse na may pag-taas pa ng kilay.
“Oy di rin Cha, paano ka kakain kung walang bibig, diba? Minsan ang bibig di lang ginagamit para magsalita, para kumain din. Haha.” sabi ni Aira na kasalukuyang nakain ng brownies dun sa kama ko. (=____=)
“Ewan ko sayo, Aira. Kumain ka na lang diyan! So, as I was saying Patrice… tama lang yung ginawa mo, wag kang ma-depress. Isipin mo na lang, isa iyong challenge para malaman kung karapat-dapat ba si Tyrone sayo, okay?” advice sa akin ni Charisse. Halata mong maraming alam sa buhay pag-ibig ha. XD
“Pero bakit naman kasi ayaw sabihin sayo ni Tyrone diba? Ganun ba kahirap magsabi ng ‘I like you, Patrice.’ Parang di naman, baka di ka niya talaga gusto.” Aira said then took the last bite of brownie in her hand. Sinamaan sya ng tingin ni Charisse.
“Sira ka talaga! Ang hard mo sa friend natin, ha! Patrice, wag kang makinig dyan, ako feel na feel ko, ramdam na ramdam ko talaga hanggang sa kaibuturan na gusto ka rin ni Tyrone. May spark eh! Kita ko!” Charisse tried to convince me.
“Eeeeeehh~ paano kung hindi pala? What if from the very start, hindi naman talaga niya ako gusto? Maybe he thinks I’m fun and I’m so beautiful kaya niya lang ako niyayang mag-date diba? Ang ganda ko naman kasi eh. Pero paano nga kung umpisa pa lang pala talaga wala syang balak seryosohin ako. (T_____T)” pag-iinarte ko. Kasi diba nung umpisa ganun din ako? Parang try lang kasi mukhang interesting si Tyrone. Mysterious effect niya yung nagustuhan ko sa kanya, ngayon, kinaiinisan ko na. (__ __)”
“Baliw! Sabi mo sa akin sabi niya seryoso sya sayo, diba?!” sabi ni Charisse. Oo, sinabi naman talaga niya na ngayon lang ulit sya naging seryoso eh. Sa akin na lang ulit. Basahin niyo pa last chapter, may sinabi syang ganun promise. (T^T)
“Oo nga… but what if he’s lying?!” pero tingin ko hindi naman sya nagsinungaling eh. YES, hindi niya sinasabi ang lahat sa akin, but I think never pa syang nag-sinungaling. In short, he’s secretive but he’s not a liar. At isa pa, ramdam ko din na gusto niya ako. Paulit ulit? Haha.
BINABASA MO ANG
Loving a 'G'
Teen FictionEverything about Tyrone Jake Marcos screams mystery… and trouble. At first, Patrice Ramirez was so sure that he’s a good-looking pervert that would never interest her. But after she was dumped by her long-time jackass boyfriend, she discovered that...