CHAPTER 4: After School Guest

3.7K 77 8
                                    

CHAPTER 4: After School Guest

August 05. Monday. 9 AM.

“Good morning!” I greeted my friends as I sat down on my seat. Nilagay ko sa may desk ko yung school bag ko then like a cue, biglang tumayo sa harap ng desk ko yung dalawang loka-loka, namely: Charisse and Aira.

“Heto na yung designer’s bag mo, Patrice.” Charisse rested my bag on my table, the one that I left on the Ecstasy bar. Sinimangutan ko sila, bigla kong naalala yung kasalanan nila sa akin. (>3<)

“Salamat. Hmp! (>__>)” sabi ko sabay tingin sa gilid, hindi ko sila tiningnan. Yung dalawang bruha naman, naupo sa magkabilang upuan sa pareho kong side.

 

“Hehe. Galit ka? Bakit ka galit?” sabi ni Aira. “Sobra kaya kaming nag-worry sayo, gerl! Bigla ka na lang nawala sa bar! Hinanap ka namin sa restroom wala ka din dun! San ka ba kasi nagpunta?!” freak out ni Charisse.

“Hindi ko sasabihin kung san ako napunta, kung sino ang aking kasama, kung ano ang aking nakita at nahawakan dahil bad friends kayo. >:PP” pang- aasar ko sa kanila, biglang naglapitan sa akin yung dalawa at niyakap ako ng sobrang higpit.

 

“OMG! SORRY NA!! HINDI NA MAUULIT PROMISE!!!” sabi ni Aira, yakap yakap ako ng mahigpit. “TSAKA JOKE LANG YUNG DI TAYO FRIENDS! WAG MONG SERYOSOHIN!” dagdag ni Aira.

 

“Oo nga! Ikaw naman kasi, tama ba namang maglasing ka dun, di ka na talaga nahiya, gerl!” inalis ni Charisse yung yakap niya sa akin atsaka ako binatukan. Luka-luka talaga!

 

“Hah! That was the last time na maglalasing ako para kay Julian, promise!” sabi ko sa kanila. Ewan ko ba pero kahit magdamag akong pinagalitan ni Mommy dahil nawala ako ng halos isang araw, ang saya pa rin ng feeling ko. Siguro dahil hindi alam ni Daddy na hindi ako umuwi the night before, mabuti na lang busy sa office niya si Daddy kung hindi patay na talaga ako at hindi na ako mabubuhay hanggang ngayon.

Anyway, going back, that would be the last time na iiyakan ko yung latest break- up namin ni Julian! Why? Ewan ko din, basta ang alam ko, I have my eyes on Tyrone Jake Marcos now. Oh diba? Pangalan pa lang ang yummy na! yun nga lang may pagka-weird sya. (=____=)

“Sus! Maniwala kami sayo! Makita namin sa isang araw, kayo na naman ulit tapos sa susunod, maglalasing ka na naman dahil break na naman kayo. Oh my, Pat, it’s becoming a daily routine so don’t deceive us. >:P” Sabi ni Charisse na sinang-ayunan naman ni Aira. I just ignored them and looked at my phone. Kelan kaya tatawag si Tyrone sa akin? Hihihihi :”>

*****


After school…

 

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon