CHAPTER 14.3: 2nd Day. Confession

2.8K 43 4
                                    

CHAPTER 14.3: 2nd Day. Confession

“Oh, ano? Inlove ka na naman diyan.” Tapos ngiting-ngiti akong binatukan ni Tyrone. Anla! Grabe ‘tong lalaking ‘toh! Nambabatok! Porket nakatayo at nakatulala lang ako sa kanya inlove agad? Agad- agad? Hindi ba pwedeng hanga lang talaga ako sa galing niya sa basketball? XD

“Aray ko ha! May kasamang batok? Ang daya! Pa-ganti!!!” sabi ko tapos sinusubukan ko syang batukan pero hinahawakan niya lang yung ulo ko at pinipigilan akong makalapit sa kanya. Dahil nga hawak niya yung ulo ko, ni hindi ko man lang sya maabot. Bakit ba kasi mas matangkad sya sa akin!!! (T^T)

“Hahaha! Ang kulit mo! Oy Muchacha, napagod ako mag-basketball. Bilhan mo akong pagkain. Tara, bilis.” Tapos hinigit na ni Tyrone yung kamay ko at hinila palabas nung court, pabalik sa oval kung saan nandun yung mga booths.

Nakapagpalit na sya nung damit niya kanina at mukhang masaya talaga yung aura niya ngayon kasi nag-ha-hum pa sya ng kanta eh, though ewan ko kung anong kanta yun, baka wala sya sa tono kaya di ko ma-figure out. Hahaha.

“Oh, ayan na po, Master! Masaya ka na po?” sabi ko sa kanya sabay abot nung ice cream sa kanya, vanilla-strawberry flavor, favorite niya daw yun eh. Oh, tingnan niyo, another info na naman sa para aking book na “100 Things about Tyrone” Lolol. XD

Ang saya rin pala nito noh? May nalalaman din ako about sa kanya kahit papaano. Like magaling syang mag-basketball at mahilig sya sa ice cream bukod sa lollipop. Mwahaha! Tyrone, my badass lolliboy. XD

“Osige. Dahil mabait ka ngayong araw, saan mo gustong pumunta? Ikaw masusunod.” Sabi niya habang dinidilaan yung ice cream niya. Waaaaa~ mukha syang bata kapag ganyan sya! Hankkkyuuuuuttt~ (*____*)

“Ahm, punta na lang tayo sa booth nung isa kong kaibigan! Malapit lang dito yun!” sabi ko sa kanya nung naisip ko na pinapapunta nga pala ako ni Elliza sa booth nila, classmate ko sya nung High School. Hehe.

“Sige, tara.” Tapos nilahad ulit ni Tyrone sa akin yung kamay niya at tinanggap ko kaagad iyon. We playfully walked holding hands hanggang marating namin yung Musical booth. Sabi sa inyo malapit lang ‘toh eh. Tinatanong ko nga si Ty kung masakit ba yung injury niya, sabi niya hindi daw. Para gasgas lang daw eh. Pa-cool niyang sagot. Haha.

“Waaaaa~ Elliza!!! Kamusta ka na?!!! (*~~)” sabay yakap ko sa kanya. Nasa tabi ko ngayon si Tyrone na parang nakokornihan sa ginagawa namin. Hahaha.

“Sino sya, Pat? Waaaa! Don’t tell me naghiwalay na talaga kayo ni Julian! (O___O)” sabi ni Elliza. Sabi sa inyo, classmate ko sya nung HS. Kilala niya rin si Julian at alam niya kung gaano ako kami ka-dedz sa isa’t isa ni Julian noon. NOON ha! XD

“Oo eh, ganun talaga.” sabi ko sa kanya na parang wala lang pero sa loob loob ko, na-a-upset pa rin ako about dun. Kasi naman, bigla na lang nawala si Julian na parang bula. Musta naman yun? Sa bagay, wala na naman akong pakialam sa kanya eh. >:P

“Ganun ba… Sige, Pat. Pasok na kayo sa booth namin! Mag-uumpisa na yung last show!” Last show dahil malapit ng mag 7 PM, nagsasara na ang mga booth kapag 7 PM na. Masaya kaming hinatid ni Elliza pagpasok. Hindi ko na naipakilala si Tyrone sa kanya kasi naman busy si Tyrone kumain ng ice cream. At nawala din sa isip ko. Hehe.

Itong booth nina Elliza ay Musical booth. From the name itself, Music. Hahaha. Music Major kasi ang course niya kaya ganito yung ginawa nila. Basta meron silang mga performances dito. Marami ding tao, mga mahihilig for sure sila sa music like me. :D

Eh bakit hindi ako kumuha ng same course kung mahilig din ako sa Music? Hmm, bakit nga ba? Ah, wala lang. Mas gusto ko kasi ang Tourism, gusto kong mag-travel at matuto ng iba't ibang cultures. Siguro na-inspire rin ako kay Ate Laurice nung bata ako. Right not, nasa Paris, France sya, nag-aaral ng Fine Arts.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon