CHAPTER 34: Memories
PATRICE'S POV
November 17. Sunday. 3 PM
Brgy. Dalisay Pre-school for Children
"Patrice, nakakahiya naman sayo at nag-abala ka pa. Salamat ha, hija?" katabi ko ngayon si Ate Gina. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa may table at pinapanuod yung mga batang naglalaro sa harapan namin. Yes, bumalik ulit ako dito sa pre-school na pinagawa ni Tyrone. :">
"Haha. Wala po iyon." sabi ko na lang. Binalik ko yung tingin sa ginagawa ko. Kasalukuyan kong inaayos yung mga pagkain na ibibigay sa mga bata bilang meryenda.
"At talagang sinama mo pa ang mga kaibigan mo." Masayang sabi ni Ate Gina at sumulyap sa dalawa. Napangiti din ako. After two weeks, ngayon lang ulit ako lumabas ng kwarto ko. I invited Charisse and Aira to come with me here and help out with these kids.
"Opo. Mababait naman po yang mga yan." sabi ko. Kasalukuyang nakikipaglaro o kaya turuan sina Charisse at Aira sa mga bata. Mukha namang pare-pareho kaming nag-e-enjoy.
"Aba syempre naman. Bakit hindi mo yata kasama si Tyrone?" Tanong ni Ate Gina. Nag-kibit balikat ako at ngumiti sa kanya atsaka binalik ang atensyon sa ginagawa ko. Mukhang hindi na rin naman niya ako pipiliting magsalita kasi gumawa na lang ulit kami ng tahimik.
I'm still a little confused about what to do with Tyrone but I'm getting there. :)
Kamusta na kaya si Tyrone? Nagkukulong lang rin ba sya sa kwarto niya kagaya ng ginagawa ko? Umiiyak kaya sya dahil nakipag-hiwalay ako sa kanya? Nakakakain pa ba sya? Nakakatulog? Miss na kaya niya ako?
Kung anu-ano ang naiisip ko habang kasalukuyang nakatayo dito sa harap ng Wall Mural na kami mismo ni Tyrone ang nag-drawing at nag-pintura. My arms folded on my chest, I flashed a smile. Ito ang ginawa namin ni Tyrone nung first date namin. Very meaningful, right? Tapos sobrang saya... Mauulit pa kaya ito?
"This is Tyrone....and me." naupo ako sa may gilid, sa harap nung part kung saan sa corner ay nag-drawing kami ni Tyrone. Hinawakan ko yung pader... Ako daw itong parang prinsesa na ito kasi tingin niya ay nese eken ne dew eng lehet. Hehehe.
"My dark prince..." I whispered to myself, smiling. At ito naman yung drawing ko. Isang lalaki na puro black ang suot pero pogi. Hehe kasi pansin ko na black ang hilig isuot ni Tyrone. Inalis ko yung pagkakahawak sa pader at bigla na naman nakaramdam ng lungkot.
"You said you'll die without me..." biglang nag-init ang paligid ng aking mga mata, nangingilid na agad ang mga luha ko. "I wonder kung sino kaya sa atin ang mauuna..." Napatawa ako at tumulo yung mga luha ko.
Nagpatuloy pa ako sa pag-reminisce ng masasaya naming alaala ni Tyrone habang nakaupo dito. Hindi ako nangangalay dahil ang isip ko, nakalipad na naman sa kanya. Is what I'm doing right? Just because of a single flaw that he has, I'm going to forget all the good things about him? It's unfair.
BINABASA MO ANG
Loving a 'G'
Teen FictionEverything about Tyrone Jake Marcos screams mystery… and trouble. At first, Patrice Ramirez was so sure that he’s a good-looking pervert that would never interest her. But after she was dumped by her long-time jackass boyfriend, she discovered that...