Persistent

2.8K 143 9
                                    


"HI."

Umagapay ako kay Chase sa paglalakad nang ma-spot-an ko siya sa school field. May dala-dala akong medium-sized Tupperware na may lamang home-baked cookies. Ako ang nag-bake nito. Naniniwala kasi ako sa kasabihang "a way to a man's heart is though his stomach".

Ramdam kong pinagtitinginan kami. Hindi siguro sila makapaniwala na ang lakas ng loob kong lapitan si Chase Mondragon.

Chase didn't greet me back nor look at me but irritation was evident on his face. His outfit was the same as before. Black leather jacket, white V-neck polo shirt, and a pair of black Chuck Taylor sneakers. Meron din siyang suot na black stud earrings at black bangles sa kaliwang kamay.

Matangkad si Chase. Six-footer. Ni hindi nga ako umabot sa balikat niya. Five-three lang kasi ang height ko kaya para siyang tore na tinitingala ko. He had good physique. Nakita ko na ang ma-muscle niyang braso kahapon kaya sigurado akong yummy din ang itinatago ng puting damit niya.

Napahagikgik ako. He's the man.

Okay, Hanna. Focus.

Pinagmasdan ko uli si Chase. Nasisikatan ng araw ang maputing balat niya. Para tuloy siyang nagniningning. Matangos ang ilong, mapula ang mga labi, prominent cheekbones, at makakapal ang kilay. Umihip ang hangin. Dahilan para magulo ang buhok niya. Pero wala lang 'yon sa kanya. Maayos pa ring tingnan.

Ang guwapo niya...

Oo. Guwapo talaga si Chase. He was one young attractive man. Hindi ko akalaing magiging ganito siya kaguwapo paglaki. Although noong mga bata pa kami, magkasing-cute na kami. No wonder heartthrob siya sa campus kahit iniilagan ng karamihan. Ang dami pa ring nagkakagustong babae at binabae sa kanya. Not to mention, ang bango-bango pa niya. Dark Prince ang bansag ng mga taga-MVU kay Chase.

"Kumusta ka na? Ang ganda ng sikat ng araw, 'no?" panimula ko bago pa ako malunod sa kakatitig sa kanya.

Wala akong nakuhang sagot. Of course. Hindi magiging madali para sa 'kin ang paamuhin ang Dark Prince.

"Nag-lunch ka na ba? Ako, katatapos lang. Hindi kasi kita nakikita sa cafeteria, eh." Kahit no'ng hindi ko pa alam na siya si Mr. Music Box, hindi ko na talaga nakikita si Chase na kumakain sa cafeteria.

Again, no response.

"I'll take that as a yes." Hinarangan ko ang dinaraanan niya at iniumang ang Tupperware. "Nag-bake ako ng chocolate cookies para sa 'yo. Panghimagas. Sana magustuhan mo."

"Get out of my way."

"H-ha?"

Noon lang siya tumingin sa akin. Nasalubong ko ang matatalim niyang mga mata. "Tatabi ka ba o itatapon ko 'yang hawak mo?"

Pero bago ako makapagsalita ay binangga niya ang balikat ko at nilampasan.

Napakamot ako sa ulo. Hay, lagi na lang galit ang lalaking 'yon! Daig pa ako tuwing red days ko, eh. Bumuntong-hininga ako. Kami na lang ni Winnie ang kakain ng cookies.

THE NEXT day, sinundan ko ulit si Chase. Mapapagod din siya sa kakataboy at kaka-ignore sa 'kin. Papansinin din niya ako at papayag na maging friends kami. 'Buti na lang may kakilala akong classmate niya. Hiningi ko ang class schedule nila.

Nakakatuwa! Halos pareho kami ng schedule. Mas magiging madali ang pagsunod-sunod ko kay Chase. Pero kahit nakabisado ko na ang schedule niya, may times pa ring nahihirapan akong hanapin siya. Lumawit na nga ang dila ko kakahanap sa kanya sa bawat sulok ng university. Siguradong may tambayan siya na hindi madaling makita. At aalamin ko kung sa'n 'yon.

Napangiti ako nang makita si Chase sa labas ng school. Naninigarilyo. Nakaparada sa tabi niya ang kanyang Ducati motorbike.

"Chase!" Patakbong nilapitan ko siya. "'Andito ka lang pala. Pauwi ka na ba?" Hindi niya ako pinansin. Pinanood ko siyang ekspertong nilaro-laro ang usok ng sigarilyo sa bibig. "May ibibigay uli ako sa 'yo. Ipinag-bake kita ng caramel muffins—"

"Will you fucking stop?!"

Galit at pabalang niyang ibinagsak sa kalsada ang hinihithit na sigarilyo at mariing inakapan ng isang paa. Napasinghap ako nang hablutin niya ang kanang braso ko at isinandal sa pader. Napaigik pa ako dahil may kalakasan ang pagkakasadlak niya sa 'kin. Nabitawan ko 'yong Tupperware. Nagkalat ang muffins sa kalsada. Pagalit niyang inilapat ang magkabilang kamay sa dingding. Nakulong ako sa pagitan ng mga bisig niya.

Ang bilis-bilis ng paghinga ko. I should be scared of him. Lalo na't ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Pero kahit ano'ng pilit ko, wala talaga akong maramdamang takot sa kanya.

Because I trust him, I told myself. Hindi niya ako kayang saktan.

"Bakit ba ang kulit mo? How many times do I have to tell you to stay away from me, huh?" nanggigigil na saad ni Chase. "Hindi ako 'yong nakilala mo noon. Huwag mong ipagpilitan dahil nakakairita."

"And how many times do I have to tell you that I'm not giving up until you tell the truth? Hindi ko alam kung bakit ikinakaila mong natatandaan mo ako pero hindi ako mapipigilan n'on. I want to get to know you more. I want us to be friends. Masama ba 'yon? Masama bang makilala kita nang lubusan, Chase?"

Natigilan siya. May nasilip akong pagtataka sa dulo ng mga mata niya. "I don't need your friendship. Sino ka ba sa inaakala mo?"

"I know you're not a bad person," I said softly. Natigilan na naman siya. "Alam kong ikaw pa rin 'yong masayahing batang lalaki na nakilala ko. May magandang ngiti at magaling mag-advice. I still believe that—"

"Shut up!" Hinampas ni Chase ang pader. Napakurap ako dahil sa bandang ulo ko 'yon. Lalong nanlisik ang mga mata niya. "Stop acting like you know me. Ang lakas talaga ng loob mong sabihin sa 'kin 'yan."

"Chase..."

Lalo niyang inilapit ang mukha sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko. Nagwawala ang dibdib ko. First time kong maging ganito kalapit sa isang lalaki. Naaamoy ko ang pinagsamang mabango niyang hininga at amoy ng sigarilyo.

Nababaliw na siguro ako para isipin 'to ngayon pero ang guwapo pa pala ni Chase sa malapitan. Hindi ko naiwasang hangaan ang guwapong tanawin niya. Ang kinis ng kanyang mukha, walang ka-pores-pores. And even though his black eyes were darting fires on me, they still look magnificent. I could see myself in the mirror of his eyes.

"I hate you," he muttered in low menacing voice. "I hate your smile, your name... everything. I hate all about you. This will be my last warning and listen carefully. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko oras na hindi ako nakapagpigil. You'll regret the day you met me. I fucking promise." Padarag na lumayo sa akin si Chase. Sumakay siya sa Ducati at pinaharurot 'yon.

Napabuga ako ng hangin habang tinitingnan ang papalayo niyang pigura. Hindi ko namalayang pigil ko na pala ang aking hininga.

-------------

A/N: Mapaamo kaya ni Hanna ang ating bad boy? Ikaw naman kasi, Chase. Ngiti-ngiti rin paminsan-minsan para hindi ma-stroke, hahaha!

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon