The Chaser

2.4K 145 13
                                    

"GIRL, ikaw na talaga! Ikaw na!" Humagikgik si Winnie. Nangisay sa tabi ko.

"Tumigil ka na nga diyan. Isa ka pa, eh." Kahapon pa kilig na kilig 'tong bruha na 'to. Kahapon pa ako tinutukso. Heto nga at inayusan pa ako at nilagyan ng makeup sa mukha. Kesyo si Chase o Kiro ang mananalo. Kesyo saan ako dadalhin. Dapat daw, magandang-maganda at presentable ako sa first date ko.

"'Can't blame me, girl. Tingnan mo nga, o. Pang-blockbuster ang date mo. Parang laban ng Rebellion vs. Pigeons 2.0. Kung wala nga lang pasok ang ibang students sa school, baka mapuno natin 'tong circuit, eh. Nagkasya na lang sila sa Facebook Live. Lahat sila, gustong mapanood ang laban. Lahat sila, gustong malaman kung sino ang makaka-date mo. 'Haba ng hairlalu. Pinag-aagawan ng dalawang gorgeous guys!" Humagikgik na naman siya.

"Paano mo nga pala nalamang nagre-race si Kiro?" tanong ko. Ang tagal-tagal na naming magkaibigan ni Kiro, pero ngayon ko lang nalaman na nakikipagkarera din pala siya. Pareho sila ni Chase na magaling sa maraming bagay.

"Tsismosa, remember?" Proud na proud pa si Winnie. "Sinabi rin sa 'kin ni Rayt ko. We're that close." Tumawa siya. "Wala naman akong bias kung sino sa kanila ang gusto kong manalo. Pareho naman akong boto sa kanila para sa 'yo. Sure kasi akong aalagaan ka nilang mabuti. But it's still up to you kung sino ang pipiliin mo. Go lang aketch. Although..."

"Although what?"

"Wala. See? I told you. May gusto si Kiro sa 'yo. Kaya nga hindi ako nagulat no'ng umamin siya. Ang lakas ng loob niya. Sa public siya nag-confess. I applaud Kiro for that. Masyado mo kasi siyang fine-friend zone, girl, eh. Pero kay Chase, naloka ako. Hindi ko expected 'yon."

I was really stunned when Chase said that he liked me. Aaminin ko, kinilig ako. Sino ba ang hindi kikiligin kung sinabihan ka ng lalaking gusto mo na gusto ka rin niya? Pero hindi buo ang kilig ko. Ayokong umasa. Kasi, baka iba naman ang ibig sabihin n'on. That he only liked me as a friend.

Patas lang ang nagtsi-cheer kila Chase at Kiro. Chase was known to be the Dark Prince at MVU. Tuloy, White Prince na ang bansag nila kay Kiro. May mga nagpupustahan pa kung sino ang mananalo. At siyempre, hindi pahuhuli si Chona na nag-a la news reporter sa Facebook Live pagkatapos akong "interview-hin".

"Wins, sa tingin mo, tama ang desisyon ko sa pagpayag dito?" Worried ako. Saka lang kasi nag-sink in nang mabuti sa 'kin, eh. Kapag kasi nasasalang ako sa isang sitwasyon, nakakagawa ako ng desisyong hindi ko masyadong pinag-iisipan. Ang pagpayag ko rin kasi ang naiisip kong paraan para hindi na mag-away sila Chase at Kiro.

"Bakit? Nag-aalala kang may pinapaasa ka? Stop, okay? Naging fair ka lang naman. Binigyan mo sila ng chance. Saka date pa lang naman 'to, eh. Hindi pa naman sila nanliligaw. Hindi pa natin sure kung ano ang mangyayari pagkatapos nito at pagkatapos ng date mo."

Gumaan ang dibdib ko sa sinabi ni Winnie. Pinanood ko ang dalawang binata na nagsusuot ng safety gears. Red ang kotse ni Chase samantalang blue naman ang kay Kiro. Naramdaman siguro nila na nakatingin ako kaya napatindin din sa akin. Nahiya ako kaya ibinaba ko ang tingin sa doll shoes ko na pink.

Nagsimula na ang race. Napa-wow agad ako. Grabe, ang tutulin nila! They were like bullets with wheels. Bullets on fire. Amazing. I couldn't take my eyes off from the track. Nanguna si Kiro. Binangga pa niya ang side ng kotse ni Chase.

"Naku, matatalo yata si Chase."

Awtomatikong napalingon ako sa pamilyar na tinig. "Ash! Lennox!"

"Oh. Hey, Hanna," Ash beamed at me, sitting very comfortably at the seat above us. Mukha namang kanina pa nila ako nakita, sinadyang doon umupo malapit sa 'min, pero ngayon lang ipinaalam ang presensiya.

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon